Napatitig ako sa kaniya, pakiramdam ko ay tuluyan nang umurong ang dila ko. Nakaupo ako sa ibabaw ng kaniyang glass desk habang siya naman ay nakatayo sa pagitan ng aking mga hita."A-Ang assuming mo t-talaga," mahina at nauutal ko ng wika, pilit na ibinabalik ang matapang kong mukha kahit na ang totoo ay gusto ko nang matunaw sa kinauupuan ko. "Saan mo naman nakuha ang teoryang 'yan? At saka, sino bang nagsabing gusto ko ng tulad mo? Ang gusto ko ‘yung matino, soft spoken at 'yung hindi pabago-bago ang takbo ng utak!”"Am I wrong now, huh?" tila nang-aalaska niyang tugon. Mas lalo niyang inilapit ang kaniyang mukha sa akin, sapat para maramdaman ko ang kaniyang hininga na humahaplos na sa labi ko. "You hated me when I was teasing you, but you absolutely despised me when I ignored you. You like the chase, wifey. You like it when I dominate the space between us.""Hindi kaya!" depensa ko agad, pero parang walang saysay ang pagtanggi ko dahil ramdam ko na ang matinding pamumula ng pisng
최신 업데이트 : 2026-07-15 더 보기