Celine's PovSa pagkakataong ito. Naka simpleng puting t-hirt si Timothy ngayon na fitted at sweatpants na kulay grey with his slip-on brown shoes. It was informal attire. Pero masasabi ko na mas angat siyang tingnan kaysa sa lalaking katabi niya na nakasuot ng leather jacket at chinos na pants na mukhang mamahalin. At ano namang naisip mo, Celine, at pinagkukumpara mo silang dalawa? Ano bang pumasok sa kukute ko? Ipinilig ko ang aking ulo at inayos na ang mga inorder ng mga tauhan sa site. Umayos sila ng pila kaya nakapameywang si Belinda at umuusok ang ilong. "Ayos ah, ilang linggo na akong nagbibigay sa inyo ng kape at pang-meryenda pero hindi kayo kailanman pumila nang maayos tapos ngayon?" Napailing siya, dismayado sa mga lalaki. "Naku, Belinda, patawarin mo na kasi kami. Alam mo naman na ikaw ang original." Sigaw nila, nang-aasar, kaya mas lalo nasura ang babae. Napangiti ako sa biruan nila. "Ikaw naman ang nauna, Belinda." "Oo nga," gatong pa ng ibang mga lalaki, pero
Huling Na-update : 2026-11-06 Magbasa pa