“Basta Celine ang bilin ko, pagsisilbihan mo lang ang senyorito mo, iyon lang.” Mahigpit na bilin ng babaeng amo ni Celine. Napakamot na lang si Celine sa kanyang batok dahil simula kahapon iyon na ang bilin ng babae sa kanya kanina. Paano kasi, takot si Mrs. Valderama na mahulog ang anak niya sa isang katulong, lalo na kay Celine. Maganda si Celine. Taglay niya ang porselanang kutis, mapusyaw na kulay-abong mga mata, at balingkinitang katawan. Sa unang tingin, walang mag-aakalang isa lamang siyang katulong. Kilala niya ang kanyang bunsong anak. Hayok ito sa babae. “Opo madam,” magalang na sagot ni Celine. Masaya si Celine sa trabaho niya, kaya imbes na mag-aral, pinili niyang magtrabaho para makatulong sa pamilyang nangangailangan niya. Mabait din naman kasi sa mag-asawa, kaya napamahal na siya sa trabaho niya. May idadagdag pa sana si Mrs. Valderama nang tinawag siya ng kanyang asawa, kaya nagpaalam na ang ginang. Kumaway lang siya nang makalabas na ang sasaky
Last Updated : 2026-07-01 Read more