LOGIN“I was only here to serve him…not to carry his heir.” Bilang isang simpleng katulong sa mansyon ng mga Valderama, alam ni Celine ang kanyang lugar. Hindi siya dapat mangarap, lalo na sa isang lalaking tulad ni Timothy Valderama—ang tagapagmana ng kanilang pamilya at kilalang playboy na walang siniseryosong babae. Ngunit isang gabi ang nagpabago sa lahat ang nagtulak sa kanila sa isang pagkakamaling hindi na mababawi kailan pa man. Sa maikling panahon, inakala ni Celine na may ibig sabihin ang pag-aalaga at malasakit ni Timothy. Hanggang sa mapagtanto niyang isa lamang siyang katulong sa paningin nito, habang ang babaeng itinadhana para rito ay matagal nang naghihintay sa tabi nito. Kaya nang malaman niyang dinadala niya ang anak ni Timothy, pinili niyang mawala kaysa ipaglaban ang isang pag-ibig na alam niyang wala siyang laban. Ngunit paano kung muling pagtagpuin ng tadhana ang kanilang landas? At paano kung sa pagkakataong iyon, huli na ang lahat para sa lalaking ngayon lang napagtantong ang babaeng hinayaan niyang umalis… ang siyang pinakamahalaga sa kanyang buhay?
View MoreISANG LINGGO~ Isang linggo na ang nakalipas. Sisimulan na ngayon ang construction matapos ang meeting ng architect na si Stefano at ng engineer na si Timothy. Bali-balita ang kanilang collaboration na inaasahan ng lahat na magkaroon ng magandang kahihinatnan ang kanilang gawa. "I am looking forward to this being a successful project, Mr. Valderama." "Of course, don't worry. This is going to be a phenomenal building." Nagkamayan silang dalawa. Hindi sanay si Timothy na makibagay sa ibang mga tao pagdating sa negosyo. Pero lumipas ang mga taon at tuluyan na niyang nakukuha ang mga kiliti ng mga kasuyo niya, kaya paunti-unti ay tuluyan na niyang naintindihan ang mundo ng business na noon ay wala siyang pakialam. "Thank you so much." Timothy smiled. "And by the way, a nearby coffee shop is owned by my friend..." Stefano paused. Muntik na niyang sabihin na girlfriend, buti na lamang at napigilan niya. Baka bigla na lamang siyang pagalitan ni Celine kapag iyon ang
"NAKU, Celine, hindi mo ba alam na magsisisi ka lang sa huli kung hindi mo pa sasagutin si Sir Stefano." Pananakot ni Aurora. Natawa na lamang si Celine habang pinupunasan ang mga lamesa kasama si Belinda na ngayon ay pinagniningkitan din siya ng mata. "Paano ko nga sasagutin ang isang tao kung hindi naman siya nanliligaw?" natatawa niyang balik na tanong kay Aurora. Lumapit sa kanya si Belinda. "Hindi pa nanliligaw sa'yo si Sir Stefano?" She pursed her lips. Napakamot sa ulo si Belinda at napailing naman si Aurora. "Wala pala 'yan si Sir Stefano, ang hina," Aurora commented while shaking her head. Si Celine naman ay pinansin na lang ang dalawa niyang kasamahan na palaging pinag-uusapan ang lalaki. Walang mintis iyon. "Uy, balita ko, malapit dito ang pagtatayuan ng building ni Sir Stefano para sa gagawin niyang restaurant at hotel." Pag-iibang topic ni Aurora. Umupo siya sa may counter. Si Belinda naman ay natigil sa pagpupunas ng lamesa. Si Celine ay sanda
"YOU mean to say you already had a blueprint for your building?" "Of course, Mr. Valderama." Sagot ni Stefano. "If you want, you can visit my office to decide if you want something to change." Timothy only nodded. "Of course, but for now I might be heading to my suite." "Okay, just inform me if you'll visit my office." "Got it," Timothy replied. Alam niyang marami pa silang pag-uusapan dahil hindi madali ang kanilang gagawin. Ngunit pagod na ang kanyang katawan at utak sa pagtatrabaho, kaya kailangan na niyang magpahinga. Hindi lang naman kasi si Stefano Natividad ang kanyang dinalaw sa Manila at may… hinahanap din siya. Kaya sa ngayon, hindi na gumagana ang kanyang isipan at animo'y ilang minuto na lang ay babagsak na ang kanyang katawan. Kaya naman ay kailangan na muna niyang magpahinga kahit sandali lang. Bumaba na si Stefano sa kotse. Nagpaalam ito kay Timothy. Sakto namang pagkasara ni Timothy ng pinto ng kanyang Mercedes-Benz ang pagpikit ng kanyang mga mata at tu
MAY business trip si Timothy sa Manila. Isang malaking proyekto ito, kaya kailangang siya mismo ang haharap kay Stefano Natividad upang makipagkasundo. Hindi naman sana niya ito pag-aaksayahan ng panahon, dahil siya ang magaling at kaisa-isang anak ni Mr. Valderama. Wala siyang nagawa. Isa pa, bilyones ang makukuha nila sa proyektong ito. At nagbabakasakali rin siyang makita ang isang taong matagal na niyang hinahanap. May balak kasi si Stefano na gumawa ng restaurant at hotel upang lalo pang mapalawak ang kaniyang pangalan sa industriya ng negosyo. At nang sa ganoon ay magkaroon na rin ng mas malaking sales ang maliit na café ni Celine. Hindi alam ni Stefano na maling tao ang napili niya upang gumawa ng ganitong kalaking proyekto. The project would last for two years, estimated, but i












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.