Celine "May nawala na naman?" tanong ko kay Belinda nang marinig ko silang nag-uusap. Absent si Iris dahil may lagnat, at si Aria, na pamangkin ni Aurora, ay absent din dahil magpapa-checkup siya ng kanyang nanay na buntis na naman. Yumuko silang tatlo. "Opo, ma'am," mahinang sagot ni Erica. "Sunod-sunod na ang pagkawala ng mga equipment natin, ah," hindi ko maiwasang maging iritado. Mahal ang mga mixer ko. At ilang bagay na maliliit lang pero may malaking halaga. I don't want to assume things. Ayoko rin naman na mambintang na lang basta-basta. Pero alam ko na isa lang sa mga tauhan ko ang kumuha. Hindi ko lang sigurado dahil wala akong CCTV sa may kusina at sa may likod dahil sa harap lang ako naglagay ng CCTV. Minasahe ko ang aking sentido. Ayokong mag-isip ng negatibo, pero kasi... hindi ko maiwasang isipin na isa nga sa kanila ang pinagnanakawan ako. Pero bakit naman? Patas naman ako sa kanilang lahat. Nagbibigay ako ng pera para sa sahod nila. N
Huling Na-update : 2026-11-18 Magbasa pa