Celine "Hey, Stefano." Bati niya pabalik. Ayokong lumingon, pero ang nakangiting si Stefano ay napatingin sa akin at napansin niya ang pagka-tense ko. "Ayos ka lang, Celine?" tanong niya sa akin. Bakit naman niya sinabi ang pangalan ko? At bakit ba? Anong pakialam ko kung nandiyan si Timothy? Pero hindi ko maintindihan kung bakit medyo kabado ako. Ang lakas ng tibok ng puso ko, parang minamartilyo. "Ayos lang," nakangiti kong sinabi, tapos ay nilungon ko si Timothy. "Uy, engineer, napadaan ka?" "No," he replied and looked at me with a weird look. "I came here because I have something to say to Stefano." Tumango ako sa paliwanag niya. Iyon naman pala. Anong pakialam ko? Ilang beses akong nagdasal na sana ay hindi niya makita iyong mga gamit o kaya naman ay tanungin ako kung bakit ako nandito, pero parang wala atang makakapigil sa kanya. "Ikaw? Why are you here? And what's all these things?" nalilito niyang tanong, pero sa akin lang ang tingin. Hindi ako
Huling Na-update : 2026-11-10 Magbasa pa