"Walang kahit na sino ang makakagalaw sa inyo. Dadaan muna sa bangkay ko ang sinumang gustong manakit sa pamilya ko." Nananatili pa rin ang matinding tensyon kahit wala na ang bakas ni Donya Solana. Sa gitna ng kwarto ay nakatayo pa rin ang matikas na anyo ni Marcus. Mahigpit na nakakuyom ang kamay habang mabilis na umaakyat baba ang dibdib sa galit. Malalim siyang napabuntong hininga habang nakapikit ang mga mata, at ng idilat muli, naglaho na lang na parang bula. Isang nakakakilabot at malamig pa sa yelong ang pumalit na emosyon. Humarap siya sa akin. "Mula ngayon, sa guest room na sa ikalawang palapag mananatili ang mama mo. Ipapalipat ko na roon ang mga gamit niya. Mas makakapagpahinga siya ro'n, at walang gugulo sa kaniya," malamig niyang pahayag. "H-huh? Bakit?!" agaran kong tanong, puno ng pagtataka at katanungan ang aking boses. "Paano kami ni Andrei? Kasama rin ba kami ni mama sa paglipat?" Isang pilit ngiti ang lumabas sa mga labi ni Marcus habang dahan-dahan siy
Last Updated : 2026-08-08 Read more