CLARK DAVE POVHabang pinapanood ko ang pagpasok ng mga security personnel sa loob ng boardroom, doon ko lang naramdaman ang tuluyang pagbagsak ng natitirang tiwala ko sa mga taong nakapaligid sa akin. Buong buhay ko, pinalaki ako para maging ruthless sa negosyo. Akala ko, sapat nang maging alerto, metikuloso, at walang sinasanto para hindi ka maisahan. Pero kung ang mismong kanang kamay mo na—ang matalik mong kaibigan na pinag-aral mo, binigyan ng condo, at itinuring mong kapatid—ang siyang humuhukay ng sarili mong libingan, paano ka pa magtitiwala?Kung hindi dahil kay Alana, baka tuluyan na akong naging bulag.Naalala ko noong unang linggo niya sa mansion. Mukha siyang ordinaryong maid na tahimik, laging nakatali ang buhok, at umiiwas sa akin. Pero may iba sa kanya. Ang daling basahin ng mga taong takot sa akin, pero si Alana, kapag nagkakasalubong kami sa hallway, diretso ang tingin niya. Walang panginginig, walang utal. At nung araw na nakita ko
Last Updated : 2026-07-14 Read more