ALANA POVAnim na buwan. Anim na buwan na akong nagtatago mula sa media, sa mga dati kong kasamahan sa trabaho na walang ginawa kundi ilaglag ako, at sa isang kasong muntik nang sumira sa buong pagkatao ko. Mula sa pagiging top-tier Senior Financial Analyst ng isa sa mga pinakamalaking investment firms sa Makati, heto ako ngayon—naka-unipormeng light blue, may hawak na feather duster, at nakikipagtitigan sa isang napakalaking abstract painting sa hallway ng Suarez Mansion.Sabi nila, kapag nasa pinakababa ka na, the only way is up. Sila siguro yung hindi pa nakakaranas maglinis ng banyo na mas mahal pa ang tiles kaysa sa huling sasakyan na binili ko noong nagtatrabaho pa ako sa korporasyon.Ang Suarez Mansion ang naging safe haven ko. Dito, walang nakakakilala sa akin bilang Alana Del Monte, ang 'disgraced genius' ng financial district. Dito, ako lang si Alana, ang bagong maid na nakatoka sa paglilinis ng East Wing. Hindi na masama. Libre ang pagkain, libre ang kwarto, at higit sa lah
Last Updated : 2026-07-04 Read more