Third Person’s POVDahil inabot na sila ng tanghalian sa daan, nagpasya ang grupo na dumaan muna sa isang mamahaling Italian restaurant na pagmamay-ari ng pamilya Salvador. Ang lugar ay napakalawak, may tahimik na ambiance, at pribado ang bawat kainan.Nang maihain ang paborito nilang pasta at steak, pansamantalang nagpaalam si Carmilla upang pumunta sa comfort room para mag-reparar ng makeup at ayusin ang kanyang sexy attire. Ilang minuto lang ang nakalipas, tumunog ang telepono ni Azalea—isang video call mula sa nag-aalala at possessive na bilyonaryo."Excuse me muna sa inyo, ha? May mahalaga lang akong sasaguting tawag," nakangiting paalam ni Azalea bago tumayo upang sagutin ang tawag sa mas tahimik na bahagi ng restaurant.Dahil dito, naiwan sa napakalaking rectangular table sina Conrad, Shun, at Jane.Tahimik na humihigop ng wine si Conrad habang nakasandal ang mga braso sa mesa. Si Shun naman ay nananatiling seryoso sa gilid, tahimik na kumakain habang nagmamasid sa paligid. Si
Última actualización : 2026-09-24 Leer más