Third Person’s POVNang sumapit ang alas-dose y medya ng tanghali, tahimik na bumukas ang pinto ng opisina ni Caleb. Lumabas si Azalea habang hawak ang kamay ng bilyonaryo, bahagyang namumula pa rin ang kanyang mga pisngi at inaayos ang kwelyo ng kanyang blazer matapos ang matinding pag-angkin nito sa kanya sa loob ng silid.Nakatayo na sa labas si Jane, hawak ang kanyang tablet habang si Conrad naman ay nakasandal sa gilid ng desk nito, pilyong nakangisi habang pinagmamasdan ang kambal."Well, well, well... mukhang tapos na ang urgent executive meeting niyo, CEO," asar ni Conrad habang itinuturo ang dalawa. "Gutom na ang Magna Cum Laude assistant ko. Sa VIP Executive Dining Room na ba tayo kakain?"Tinitigan lang siya ni Caleb nang malamig at walang kaabog-abog. "Let's go. I reserved the private balcony table."Lumakad ang apat patungo sa nakahiwalay at eksklusibong VIP Executive Dining Lounge sa Floor 58. Ang lugar na ito ay para lamang sa mga Salvador brothers, C-level executives,
Última actualización : 2026-09-25 Leer más