Cassandra Louise’s Point of View Maaga pa lang ay puno na ang conference hall. Nasa labas ang ilang members ng media habang ang mga shareholders naman ay unti-unti nang pumapasok sa loob. May mga security personnel sa bawat entrance, at mahigpit ang pag-check sa lahat ng taong papasok sa venue. Today was the day we had been preparing for. Sa wakas, ilalabas na namin ang buong resulta ng imbestigasyon tungkol sa mga taong nasa likod ng mga pag-atake sa kumpanya ng pamilya ko. Nasa backstage ako kasama sina Vicente, Marco, at ilang miyembro ng legal team. Hawak ko ang folder na naglalaman ng final presentation habang binabalikan ang mga notes ko. “Everything is ready,” sabi ni Marco. “The shareholders are complete, and the media representatives have already been seated.” “Any update from the technical team?” tanong ko. “Na-secure na nila ang archived files. Nakuha rin nila ang access logs mula sa suspicious activity kagabi.” “Have they identified the person?” “Not yet. But the
Last Updated : 2026-11-08 Read more