Cassandra Louise’s Point of ViewMas late kaysa sa inaasahan ang pagtatapos ng board meeting, pero sa pagkakataong ito, hindi ako lumabas ng conference room na mabigat ang pakiramdam.Matapos ang ilang oras na pag-uusap, pag-review ng mga documents, at pagsagot sa mga tanong ng board members, napagdesisyunan nilang ituloy ang investigation nang hindi muna ako inaalis sa posisyon ko.Hindi pa iyon ang buong tagumpay na gusto namin, pero malaking bagay na rin iyon matapos ang ilang araw na puro problema ang kinakaharap ng kumpanya.Inayos ko ang mga documents sa harap ko habang unti-unti nang nagsisialis ang ibang members ng board.“Miss Ledesma, we'll send the updated resolution before the end of the day,” sabi ng isa sa mga directors.“Thank you. I'll wait for it.”Nakipagkamay ako sa kaniya bago muling inayos ang mga gamit ko. Sa may entrance naman, nakita kong kausap pa ni Vicente si Marco tungkol sa mga susunod nilang gagawin kasama ang legal team.Ilang sandali ko silang pinagmasd
Last Updated : 2026-10-31 Read more