Mag-log in“Isang daang milyon!” sigaw ng isang misteryosong lalaki. Si Cassandra Louise Ledesma ang lihim na tagapagmana ng pamilya Ledesma na itinago ng kaniyang lola na si Soledad upang mailayo sa mga taong nagbabalak agawin ang kanilang yaman. Upang mamuhay nang payapa, pinili niyang magtrabaho bilang isang simpleng maid. Sa isang charity auction, pabiro siyang isinama bilang isa sa mga "auction item." Ang inakala ng lahat na simpleng kalokohan ay nauwi sa matinding gulat nang may magbid ng isang daang milyong piso para sa kaniya. Sa kabilang dako naman ay si Amadeo Vicente Sandejas, ang pinakabatang bilyonaryo at CEO sa buong mundo. Isang lalaking malamig, subsob sa trabaho, at walang interes sa pag ibig. Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat, siya ang misteryosong bidder na gumastos ng napakalaking halaga upang walang ibang makakuha kay Cassandra. “Mula nang marinig kong isasama ka sa auction, tinapos ko na ang laban. Dahil alam kong walang ibang dapat manalo kundi ako. “Kung tutuusin ay barya lang naman ang isang daang milyon piso, Cassandra.” Saan nga ba sila dadalhin ng isang daang milyong pisong bid na nagsimula bilang isang biro? Magagawa kayang baguhin ng babaeng binili niya ang pusong matagal nang isinara ni Vicente, o ang mga lihim na kanilang itinatago ang siyang tuluyang maglalayo sa kanila?
view moreCassandra Louise’s point of view
“Mamitaaaaa! Dadi Lo!” Malakas kong sigaw ang agad na umalingawngaw sa buong dining area pagkapasok na pagkapasok ko. Halos kasabay pa niyon ang mahihinang yabag ng paa ko habang nagmamadaling tumakbo papunta sa hapag. Kakagising ko pa lang, pero parang bigla akong binuhusan ng isang timba ng energy nang maisip ko ang plano kong matagal ko nang gustong gawin. I already knew they wouldn't agree. Actually, sigurado akong kokontrahin nila ako. Pero wala akong balak umatras. Kahit gaano pa katagal ang kulitan at lambingan na kailangan kong gawin, mapapa-oo ko rin sila. “Good morning, iha,” malambing na bati ni Mamita nang makita niya ako. “Let's eat first,” dagdag naman ni Dadi Lo habang inilalapag ang tasa ng kape. “Good morning po.” Ngumiti ako bago umupo sa harap nila. Tahimik muna kaming kumain, tanging tunog ng kubyertos at mahinang usapan ng mga kasambahay ang pumupuno sa paligid. Pero habang tumatagal, lalo lang akong kinakabahan. This is it. Huminga ako nang malalim at dahan dahang ibinaba ang kutsara. Napatingin sa akin si Dadi Lo, tila agad nabasa ang ekspresyon ko. “May gusto ka bang sabihin, iha?” Pareho silang tumingin sa akin, hinihintay ang sasabihin ko. “I want to live like a normal person.” Nanatiling tahimik ang dalawa kaya ipinagpatuloy ko. “I know tinatago niyo po ako because of my safety. Alam ko rin kung bakit. And don't worry, hindi naman ako magpapakilala sa kahit kanino. I won't tell anyone who I really am.” Saglit akong napayuko bago muling tumingin sa kanila. “I just... want to explore.” Bahagyang nanghina ang boses ko habang unti unting lumalabas ang totoong nararamdaman ko. “Gusto kong patunayan sa sarili ko na kaya kong mabuhay nang hindi umaasa sa pangalan ng pamilya natin. I want to know if I can stand on my own feet without being the Ledesma heiress.” Naging tahimik ang buong dining room. Ramdam ko ang mabigat na titig nila sa akin. “Iha...” mahinang tawag ni Mamita. “Please po?” mabilis kong putol habang nakanguso. Tumayo pa ako at lumapit sa kanila, saka marahang yumakap kay Mamita. “Just let me experience life. Please? Hindi naman po ako habang buhay magtatago. I want to see the world with my own eyes.” Huminga nang malalim si Dadi Lo. “You don't know how dangerous the outside world is.” “I know... pero gusto kong matuto.” Muli nanaman silang natahimik at mukhang hindi talaga sila matitinag. Napabuntong-hininga ako bago dahan-dahang lumingon sa taong kanina pa tahimik na nakaupo sa kabilang dulo ng mesa. Si Reed, ang matagal nang secretary nina Mamita at Dadi Lo. “Reed...” halos pabulong kong tawag habang nakikiusap ang tingin ko. One look was enough. Alam na niya agad ang gusto kong sabihin. Ngumiti lang siya nang bahagya bago umayos sa pagkakaupo. “Let her be.” Agad napalingon sa kanya sina Mamita at Dadi Lo. “She isn't a minor anymore. She deserves to experience the real world.” Tumigil siya sandali bago ako tinapik sa balikat. “And don't worry. I got her.” Hindi ko napigilang mapangiti. This is exactly why I love having Reed beside me. No matter how impossible things seemed, lagi siyang nasa likod ko. Lagi niya akong sinasalba sa mga sitwasyong alam niyang hindi ko kakayaning harapin mag isa. Tahimik na nagkatinginan sina Mamita at Dadi Lo. Halatang nag uusap sila gamit lang ang mga mata. Pagkaraan ng ilang segundo, napabuntong hininga si Dadi Lo. “Alright.” Bigla akong napatayo. “Really?” “You'll do this under one condition.” Mabilis akong tumango. “Anything!” Sagot ko. “Reed will be in charge.” Napangiti si Reed habang nakahalukipkip. “Aayusin niya ang lahat ng kailangan mong documents,” pagpapatuloy ni Dadi Lo. “Whatever you want to do... Reed will make sure you’re protected.” Seryosong sambit ni Dadi Lo. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. “Mamita!” Mahigpit ko siyang niyakap bago ko hinalikan sa pisngi. “Thank you po!” Pagkatapos ay lumapit naman ako kay Dadi Lo at niyakap din siya. “You won't regret this.” Napailing na lang silang pareho habang natatawa. Nang mapalingon ako kay Reed, kumindat lang siya sa akin. Napailing ako habang nakangiti. Matagal na naming napag usapan ang planong ito. We already prepared everything. Hinintay lang namin ang tamang timing para sabihin kina Mamita at Dadi Lo. .. At mukhang gumana nga. Instead of living comfortably as the Ledesma heiress, gusto kong magsimula sa pinakababa. I wanted to become... a maid. I wanted the experience. Sanay naman akong gumawa ng gawaing bahay dahil madalas akong turuan ni Reed kapag wala sina Mamita. Natuto akong maglinis, maglaba, magplantsa, magluto ng simpleng pagkain, at mag ayos ng buong bahay. “Ayan na.” Iniabot ni Reed ang isang brown envelope habang abala naman akong naglalagay ng mga gamit sa maliit kong luggage. “Complete na lahat ng documents mo.” Agad ko iyong kinuha at binuksan ang envelope. Cassandra Louise Ledesma was gone. Tanging Cassandra Ledesma na lamang ang nakalagay sa lahat ng dokumento. “Your identity is ready. Nakapasa ka na rin sa interview sa Sandejas.” Lalo pang lumawak ang ngiti ko. “Seriously?” Tumango siya. “Naipasok na kita. Ihahatid na lang kita ngayon.” Napatalon ako sa sobrang saya. “Finally!” “Easy.” Napatawa si Reed. Hindi ko na halos mapigilan ang excitement ko. Pakiramdam ko, ngayon pa lang talaga magsisimula ang totoong buhay ko. “Mag iingat ka,” seryoso niyang sabi habang inaayos ang buhok kong nagulo. “As much as possible, magparamdam ka pa rin kina Mamita. You know how worried they can get.” Tumango ako. “I will.” “At isa pa.” “Kapag hindi ka nag update, don't be surprised kung isang araw nasa harap na ng mansion ng mga Sandejas sina Mamita para sunduin ka.” Napairap ako. “Don't let them.” “As if may laban ako sa dalawang 'yon.” Napatawa na rin ako. Fair enough. Matapang lang siya kasi nandoon ako. Ilang minuto ang lumipas bago tuluyang huminto ang sasakyan sa harap ng napakalawak na mansyon. This is really happening. Mas lalo akong kinabahan. Huminga ako nang malalim habang nakatingin sa napakalaking gate. Ito na ang simula ng buhay na matagal ko nang gustong maranasan. "Good luck on your first day, Louise," nakangiting sabi ni Reed. Napalingon ako sa kaniya. Marahan niya akong niyakap. "Go make your own story." Napangiti rin ako habang yumakap pabalik. "I will." Pagkatapos niyang bitawan ang yakap ay kinuha ko ang maliit kong maleta at tuluyan nang naglakad papasok sa Sandejas Mansion. Pagkapasok ko pa lamang ay agad akong sinalubong ng head housekeeper ng mansyon. "Ikaw ba ang bagong katulong?" "Opo." Tumango siya. "Halika. Marami tayong kailangang pag-usapan." Tahimik akong sumunod habang ipinakikita niya sa akin ang iba't ibang bahagi ng napakalawak na mansyon. Hindi nagtagal ay ipinakilala niya ako sa iba pang mga kasambahay bago niya isa-isang ipinaliwanag ang mga patakaran. "Walang pwedeng ma-late." "Laging malinis ang buong mansyon." "Bawal sumagot sa amo." "At kapag may ipinagawang trabaho, tapusin agad." Tahimik akong nakikinig. "Isa pa." Tumigil siya sandali bago seryosong tumingin sa akin. "Ikaw ang magiging personal maid ni Señor Vicente," "Ikaw ang unang tutugon sa lahat ng kailangan niya. Kasabay niyan, magiging all-around na alalay ka rin ng buong pamilya." Bahagya akong natigilan. "Ako po?" Tumango siya. Hindi ko inaasahang ganoon kabigat ang trabahong naghihintay sa akin. Mukhang naisahan ako ni Reed sa pag aasikaso ng paers ko. Hindi nagtagal ay iniabot niya sa akin ang uniporme. "Magpalit ka na." Tahimik akong tumango. Nang maisuot ko ang uniporme at makita ang sarili ko sa salamin, hindi ko napigilang mapangiti. Hindi na ako si Cassandra Louise Ledesma. Isa na lamang akong ordinaryong katulong. Hindi pa man ako tuluyang nakakahinga ay nagsimula na agad ang trabaho. "Cassandra." "Pakilinisan ang grand staircase." "Opo." Sagot ko. Pagkatapos noon ay pinapunta naman ako sa silid-aklatan upang magpunas ng mga estante. Hindi pa ako tapos ay inutusan naman akong tumulong sa kusina sa paghahanda ng tanghalian. Maya-maya pa ay ipinadala naman ako sa hardin upang magdala ng mga gamit. Halos hindi ako makapaniwalang sunod-sunod ang gawain. Habang abala kaming lahat ay biglang tumahimik ang buong mansyon. Lahat ng kasambahay ay sabay-sabay na tumigil sa ginagawa. Napatingin ako sa head housekeeper. "Dumating na si Señor Vicente." Agad niyang inayos ang aking postura. "Straight." "Walang maingay." "Walang magkakamali." Unti-unti akong kinabahan. Makalipas ang ilang segundo ay bumukas ang malaking pinto. Pumasok ang isang matangkad na lalaki na nakasuot ng kulay abong suit. Dere-diretso ang lakad nito habang tahimik na sinusundan ng kaniyang secretary at bodyguards. Huminto siya sa gitna ng hallway. "Ako ang bago mong personal maid, Señor," mahina kong bati habang yumuyuko. Saglit niya lamang akong tiningnan bago ibinalik ang atensyon sa harap. "Do your job well." Iyon lang ang sinabi niya bago tuluyang naglakad paakyat ng hagdan. Napabuntong-hininga ako nang mawala siya sa aking paningin. Hindi pa man natatapos ang unang araw ko ay pakiramdam ko ay ilang buwan na akong nagtatrabaho sa dami ng utos at responsibilidad. Ngunit kahit pagod na pagod ako, hindi ko alam na ang simpleng trabahong pinili ko upang maranasan ang ordinaryong buhay ang magiging simula ng pinakamalaking pagbabago sa buong buhay ko.“So?”Napatingin ako nang bumukas ang pinto ng office ko.Klaus and Cedric walked in without bothering to knock, as usual.“Any news, Vicente?” tanong ni Klaus habang nakangisi.“Ngayon ko lang napapayag si Agnes,” sagot ko habang hindi inaalis ang tingin sa laptop. “So shut the fuck up, both of you.”“So scary,” pang-aasar ni Cedric habang kunwari ay natatakot.“Moron.”Tumawa siya at umupo sa couch.Klaus, meanwhile, walked behind my chair and leaned down to look at the documents on my desk.“New investor?”“Mhm.”“He’s a big, big time.”“Exactly.”I moved the papers away from him.“Private.”“Relax.”“I am relaxed.”“You look like you're about to kill someone.”“Maybe I am.”Tumawa siya.I ignored them and continued reading.“He wants to invest a ridiculous amount of money,” paliwanag ko. “That’s why I need Agnes. She's good at this. She knows how to deal with people.”“Playing with them?”“Mhm.”“Toying them as if they're worth more than her life?”“Exactly.”Cedric nodded. “She’s
Vicente Amadeo's point of viewThe next few days became busier than I expected.The new investor was already sending documents for review, which meant most of my mornings were spent going through reports, contracts, and financial proposals. At the same time, tuloy pa rin ang charity partnership namin ni Cassandra. Every day seemed to bring another meeting, another report to check, and another outreach program that required both of our attention. What was supposed to be a simple one month arrangement was slowly becoming more demanding than either of us had anticipated.And somehow, Cassandra was always there.“Are you done?”Napatingin ako sa kanya habang hawak ko ang tablet na naglalaman ng schedule namin for the day. She was already standing beside the car, her arms crossed over her chest while waiting for me. Judging from the slight frown on her face, she had probably been waiting for more than a few seconds.“Almost.”She glanced at the time on her phone before looking back at me
Vicente Amadeo’s point of view“You’re still thinking about it?”Napatingin ako kay Agnes nang marinig ko ang boses niya mula sa may pintuan ng office ko. Nakatayo siya roon habang nakapamulsa, with that knowing look on her face na parang alam na alam niya kung ano ang tumatakbo sa isip ko kahit wala pa akong sinasabi. Hindi ko na rin kailangang tanungin kung ano ang tinutukoy niya. I already knew.“Come on, Kuya, get over it,” puna niya habang tuluyan nang pumapasok sa office ko. “Ilang araw na. Hindi mo pa rin ba kayang bitawan?”Bahagya akong napabuntong hininga at muling ibinalik ang tingin sa laptop ko. “It’s not about that, Agnes.”“Sure, sure.”I ignored the disbelief in her voice and continued reading the email in front of me. Hindi ko naman talaga siya tinawag dito para pag-usapan si Cassandra. I had a more important reason for asking her to come to my office, at ayokong maubos ang oras namin sa pang aasar niya.“We have a big investor coming,” seryoso kong sambit habang ini-
Vicente Amadeo’s point of viewThe amusement in her expression slowly disappeared.For a few seconds, wala siyang sinabi, and somehow, that silence was enough to make me realize that I had probably asked something I wasn't supposed to ask. There was something in the way she looked at me that made it obvious na may part ng tanong ko na tumama sa isang bagay na ayaw niyang pag-usapan.“And maybe there is.”Hindi ko inaasahan ang sagot niya.Agad akong napatingin sa kanya, trying to understand what exactly she meant. Hindi siya umiwas ng tingin. She simply stood there, looking at me with that unreadable expression on her face, as if she had already said enough and was waiting for me to figure out the rest on my own. “What does that mean?” tanong ko, my voice is quieter this time.Hindi siya agad sumagot. Instead, she reached for her phone from the table and slowly stood up. Parang tapos na para sa kanya ang conversation, while I was still trying to make sense of her words.“It means exa


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.