Agad na ang pagsilay ng isang matamis na ngiti sa mga labi ni Lianna hindi pa man siya lubusang nakalalapit sa kanilang dining table. Naglalakad pa lang kasi siya ay agad na niyang natanawan ang kanyang mga magulang pati na ang nakababata niyang kapatid na si Vianna. Nakaupo na sa harap ng hapag ang mga ito at masayang nag-uusap-usap. Magsisimula pa lang kumain ang tatlo na pare-pareho pa ngang napalingon sa kanya nang mapansin ang kanyang presensiya.“There you are, Lia. Halika na’t mag-almusal,” nakangiting aya ng kanyang ina na si Jossa.Lianna smiled at her. Pumuwesto na siya sa silyang laging laan para sa kanya sa hapag na iyon. “Good morning everyone,” masiglang bati niya sa mga ito.“Good morning, Ate,” Vianna greeted back.Ngumiti siya sa kanyang kapatid. Vianna was just thirteen years old. Nasa unang taon na ito ng sekondarya at ngayon nga ay nakasuot na ng uniporme ng eskuwelahang pinapasukan nito.Ganoon kalayo ang agwat ng mga edad nilang magkapatid. Bente-tres anyos na si
Last Updated : 2026-11-07 Read more