LOGINAgad na ang pagsilay ng isang matamis na ngiti sa mga labi ni Lianna hindi pa man siya lubusang nakalalapit sa kanilang dining table. Naglalakad pa lang kasi siya ay agad na niyang natanawan ang kanyang mga magulang pati na ang nakababata niyang kapatid na si Vianna. Nakaupo na sa harap ng hapag ang mga ito at masayang nag-uusap-usap. Magsisimula pa lang kumain ang tatlo na pare-pareho pa ngang napalingon sa kanya nang mapansin ang kanyang presensiya.
“There you are, Lia. Halika na’t mag-almusal,” nakangiting aya ng kanyang ina na si Jossa. Lianna smiled at her. Pumuwesto na siya sa silyang laging laan para sa kanya sa hapag na iyon. “Good morning everyone,” masiglang bati niya sa mga ito. “Good morning, Ate,” Vianna greeted back. Ngumiti siya sa kanyang kapatid. Vianna was just thirteen years old. Nasa unang taon na ito ng sekondarya at ngayon nga ay nakasuot na ng uniporme ng eskuwelahang pinapasukan nito. Ganoon kalayo ang agwat ng mga edad nilang magkapatid. Bente-tres anyos na siya, habang ang kapatid niya ay trese anyos pa lang. Sampung taong gulang na kasi siya nang muling magbuntis ang ina nilang si Jossa. Iyon ay hindi dahil sa nahirapan itong magbuntis ulit pagkatapos niya. Ayon sa kuwento ng kanilang mga magulang, sampung taon nagkahiwalay ang mga ito. Her mother was pregnant with her when they separated. Nang siyam na taong gulang na siya ay muling nagtagpo ang dalawa at nadugtungan ang naudlot na relasyon. She was already ten years old when Jossa gave birth to Vianna. Kaya naman, siya ay kasalukuyan nang nagtatrabaho sa kompanya ng pamilya ng kanyang ama habang ang kapatid niya naman ay nasa sekondarya pa lamang. Ang totoo ay ang layo talaga ng edad niya sa kanyang mga pinsan. Maging ang mga anak din kasi ng kanyang Uncle Trace at Auntie Anie ay sadyang ang babata pa. Tanging si Matthew lamang, panganay ng Uncle Trace niya, ang medyo malapit ang edad sa kanya. He was already nineteen years old and now on his college. At dahil nga sa siya ang pinakapanganay sa kanilang magpipinsan ay siya pa lang ang umako ng responibilidad ng pagtatrabaho sa DLS Corporation, ang kompanya ng mga De la Serna. Nang umaga ngang iyon ay nakabihis na siya para pumasok sa nasabing kompanya. Pasado alas-siyete pa lang ng umaga pero mas gusto niyang maagang pumasok sa trabaho. “How was your first day at work, Lia?” tanong pa ng Mommy Jossa niya. Tumayo pa ito at siyang naglagay ng kape sa kanyang tasa mula sa percolator. “Thank you, Mom,” she uttered before answering her question. “Everything is fine. Naroon naman si Uncle Trace para tulungan ako sa mga kailangang gawin. Eventually, magagamay ko rin lahat.” “Don’t forget about our conversation yesterday, Lianna,” sali naman sa usapan ng kanyang ama. “I am serious about it.” “About what?” magkadikit ang kilay na tanong ng kanyang ina kasabay ng pagbalik nito sa sariling upuan. Lianna almost rolled her eyes upwardly. Ngumiti pa siya bago nagsimula nang maglagay ng pagkain sa kanyang pinggan. “Dad wants for me to have a bodyguard. Hindi naman kailangan, Mom. Sa kompanya lang lagi ang punta ko.” “Kahit na,” giit pa ni Lemuel. “Mas maigi na ang sigurado, Lianna.” “Wait, Lemuel,” wika naman ni Jossa na sadyang hinarap pa ang asawa nito. “You didn’t tell me about this. May dapat bang ikabahala sa kaligtasan ng mga bata? Why all of the sudden Lianna needs a bodyguard?” “You know the kind of life that we have, Jossa. Gusto ko lang masiguro ang kaligtasan ni Lianna. Si Vianna rin naman ay laging hatid-sundo ng driver natin, hindi ba? Parang may bodyguard na rin naman siya.” “Dad, nothing bad will happen to me. I assure you that.” “Just take care of yourself always, Lianna. Hindi mo rin maaalis sa daddy mo ang mag-alala. You know what we’ve been through before. Ilang taon din ang hinintay natin bago matahimik ang mga buhay natin.” Disimuladong napabuga ng isang malalim na buntonghininga si Lianna. Alam niya kung ano ang tinutukoy ng kanyang ina. Ilang taon pa lang siya nang dumaan sa isang mabigat na pagsubok ang pamilya nila. Halos mapahamak pa silang mag-ina noon kung hindi lang sila nailigtas ng kanyang ama, katulong ang kanyang Uncle Trace, laban sa mga kalaban ng mga ito. Iyon pa ang nakikita niyang dahilan kung bakit ganoon na lang kahigpit ang kanyang Daddy Lemuel sa kanilang magkapatid. Ganoon din ang tiyuhin niyang si Trace sa mga anak nito. And she understood that. Ang hindi niya lang matanggap ay ang magkaroon ng personal bodyguard na makakasama niya saan man siya magpunta. Hindi siya sanay. Panigurado kasing hindi siya makakikilos ng normal kapag nagkataon. “Yes, Mom,” sumusuko niya na lang na sabi para lang matigil na sa pangungulit ang mga magulang niya. “I promised Dad that I would agree to have a bodyguard if something happened... na alam kong hindi mangyayari. Mag-iingat naman ako.” “Anyway,” pagkaraan ay wika na ng kanyang ama. Huminto pa ito sa pagkain bago nagpatuloy sa pagsasalita. “Nagpadala ng imbitasyon ang mga Martinez para sa atin. It’s Teresa’s birthday on the thirtieth of this month. Are you coming with us, Lianna?” Saglit na nahinto sa pagkain si Lianna at napatitig sa kanyang ama. Ang pamilya Martinez na tinutukoy nito ay ang pamilyang matagal nang kaibigan ng mga De la Serna. At ang Teresa na binanggit nito ay halos kaedad ng kanyang mga magulang. Ito ang malapit talaga sa pamilya nila. “O-Okay, Dad. I will go,” sagot niya. “Are things doing good between you and Rowan?” pang-uusisa naman ng kanyang ina habang sa pagkain nito nakatuon ang mga mata. Rowan was Teresa’s only son. Matanda ito sa kanya ng dalawang taon at halos isang taon nang nanliligaw sa kanya. Hindi lingid sa kanilang mga pamilya ang panliligaw ng binata. Katunayan, umaasa ang mga ito na magkakamabutihan talaga silang dalawa. But Lianna had no feeling for Rowan. Wala naman siyang maipipintas dito. Kung pisikal na katangian ay walang maibabatong masamang salita sa binata. He’s tall and handsome. May pinag-aralan at ngayon ay siya nang namamahala sa negosyo ng sarili nitong pamilya. Kahit sinong babae ay madaling mahuhulog ang loob dito. Pero bagay iyon na hindi niya magawa. She didn’t have any feeling for him. Ang totoo ay parang naaasiwa siya sa tuwing kasama niya si Rowan. She couldn’t explain. There was something on him that made her so uncomfortable. “Y-Yes, Mom,” sagot niya sa kanyang ina. “W-We are fine.” “Hindi mo pa ba nararamdaman sa sarili mo ang kagustuhang sagutin si Rowan?” Jossa asked again. “Why are you forcing her about it, sweetheart. Let your daughter take her time. Kahit ako ay hindi pa kumbinsido sa panliligaw ng binata ng mga Martinez,” komento naman ng kanyang ama. Her mother almost sighed heavily. “Kailan ba may pumasa sa iyo, Lemuel? Lahat yata ng lalaking lalapit sa anak mo, kulang na lang ay balatan mo nang buhay. Don’t be so overprotective. Lianna and Vianna will both grow up and eventually, have their own lives.” “I am their father, Jossa. Of course, I have the right to---” “Okay... okay,” singit niya na sa pag-uusap ng dalawa. Kinuha niya pa muna ang baso ng juice saka uminom doon. Pagkatapos ay muli siyang nagsalita sa kanyang mga magulang. “End this conversation now. Baka magtalo pa kayo. I don’t have feelings for Rowan and for countless of times, I already declined him politely. I don’t have plan of having a boyfriend yet.” Sukat sa mga sinabi niya ay isang tipid na ngiti ang namutawi mula sa mga labi ni Lemuel. Hindi iyon nakaligtas sa paningin ni Lianna bago pa nagpatuloy sa pagkain ang kanyang ama. Wari bang ang mga narinig nito ang pinaka nagustuhan nito sa lahat ng mga sinabi niya. “I need to go now, Mom... Dad,” wika niya pa na naghanda na sa pag-alis. “Ang sabi ni Uncle Trace ay isasama niya ako sa meeting with some of our clients today para magamay ko na ang pagharap sa kanila. I don’t want to be late.” “Hindi ka pa tapos mag-almusal, Lia,” pahabol pa ng kanyang ina. “I’ll just eat at DLS, Mom,” saad niya bago humalik na sa mga ito bilang paalam. Pati si Vianna na kanina pa tahimik sa pagkain ay nilapitan niya rin. “Study hard, Via,” aniya pa sabay gulo sa buhok nito. “Ate!” Vianna said irritatingly. Lianna just chuckled before she walked out of the dining room. Napasunod na lamang ng tingin ang kanyang ama’t ina. She intentionally avoided them. Kung hindi niya pa pinutol ang usapan ng mga ito ay hahaba pa iyon. Pagdating kasi sa kanyang love life ay magkaiba ang opinyon ng dalawa. Ang kanyang ina ay boto kay Rowan. Kung may magiging unang nobyo daw siya ay bakit hindi niya bigyan ng pagkakataon ang binata ng mga Martinez. While her father was the strict one. Lahat ng lumalapit sa kanya ay mabusisi nitong kinikilala. Ang iba ngang nagpahayag sa kanya ng pag-ibig ay huminto na lang sa panliligaw dahil sa kanyang ama. Lianna heaved out a deep sigh as she got in her car. Wala pa sa isipan niya ang pakikipagrelasyon... o sadyang hindi niya pa nakikita ang lalaking gugustuhin niyang maging unang nobyo. ***** MARAHANG iginagala ni Jackson ang kanyang paningin sa paligid habang naglalakad sila papasok ng isang malaki at lumang warehouse. Parang ilang taon na mula nang maitayo ang naturang establisyemento. Halata na ang pagkaluma nito at ang waring ilang taon nang hindi nagagamit. Matapos ng naging pag-uusap nila ni Ysmael kahapon ay nakipagkita nga siya rito upang madala siya ng kaibigan niya sa hideout ng mga Javier. Bagay iyon na napakatagal na niyang nais mangyari. Finally, matapos ang ilang taon na pagpaplano sa kung paano mapapalapit sa organisasyong naging dahilan ng maagang pagkawala ng kanyang mga magulang, magagawa niya na ngayong makaharap ang mga tao na bumubuo nito. Jackson’s jaws tightened. Oras na magawa na niyang makuha ang loob nito, saka niya na unti-unting sisirain ang organisasyon ng mga Javier. “Dito tayo, Jackson,” narinig niyang sabi ni Ysmael. Iginiya siya nito patungo sa isang pasilyo at doon ay diretso lang na naglakad. “Remember what I told you,” wika pa nito sa halos pabulong na tinig. Alam niyang nag-iingat itong walang makarinig sa kanila. “Just agree to whatever they say. Hindi gusto ni Solomon na kinokontra siya. Huwag na huwag ka ring tanong nang tanong. Baka makahalatang may gusto tayong malaman tungkol sa kanila.” “Paano ka kumukuha ng impormasyon kung ganoon?” hindi niya maiwasang itanong dito. Bilang undercover kasi, mukhang mahihirapan itong mangkalap ng impormasyon tungkol sa misyon nito kung ganoon ang patakaran ni Solomon Javier. “I observe, Jackson. Binabantayan ko ang bawat galaw nila, nakikinig sa bawat usapan. Ang mas mahalaga ay ang makuha ko ang tiwala nila. Kapag nangyari iyon, maaari na nila akong madala sa hideout nila kung saan nila isinasagawa ang mga transaksiyon sa droga. Iyon naman ang misyon ko.” Yes, Jackson knew about that. Iyon ang misyon ni Ysmael. Matagal nang gustong buwagin ng mga awtoridad ang illegal na organisasyon ng mga Javier. Sadyang matinik lang ang mga ito. Maging ang lugar kung saan nangyayari ang mga transaksisyon nito sa droga at iba pang illegal na gawain ay hindi matiyempuhan ng kapulisan. And it was the reason why Ysmael had to go undercover to gather details. Delikado pero ganoon na talaga ang trabaho nila. Kung siya nga lang ang masusunod ay siya na ang aako sa misyong iyon. Maipapaghiganti na niya ang kanyang mga magulang, nagagawa niya pa ang trabaho niya. Sa ngayon kasi ay naka-indefinite leave siya sa trabaho dahil sa pagpasok niya roon, bagay na hindi alam ng kanilang bosses. Kapag nalaman kasi ng mga itong gumawa siya ng hakbang na hindi sakop sa naibigay na trabaho sa kanila ay paniguradong malalagot siya. That was Ysmael’s assignment, not his. Ilang saglit pa ay pinasok na nila ni Ysmael ang isang silid. Agad pang natuon ang kanyang mga mata sa mga taong naroon, lalo na sa lalaking nakaupo na wari mo pa’y ang pinaka-boss ng mga ito--- si Solomon Javier. “Magandang gabi, boss,” bati ni Ysmael sa mga ito. “Ito ba ang bagong bata mo?” tanong agad ni Solomon, ni hindi sumagot sa pagbati ng kaibigan niya. “Yes, boss,” tugon ni Ysmael sabay sulyap pa sa kanya. Solomon stood up. Tumayo ito at marahang humakbang palapit sa kanya. Halos bumaba-taas pa ang tingin nito sa kanya na para siyang sinusuri. “Pangalan, edad at kung saan nagmula,” anito sa kanya. Jackson tilted his head before answering. “Jackson, thirty-three. Taga-Caloocan ako.” “And you want to join us? Why?” anito pa. “Alam mo bang kapag nakapasok ka na rito ay hindi na madaling makaalis? So, why would you join us?” “Malaki raw ang bigayan,” kaswal niyang sabi na nagkibit-balikat pa. “I want money. Kailangan kong kumita nang malaki.” Solomon stared at him intently. “Hindi madaling makapasok sa grupo namin. I am sure Ysmael told you that.” “I know,” saad niya. “But I am willing to do anything.” Tumikwas pataas ang isang sulok ng mga labi ni Solomon. Nagsalita ito kasabay ng marahan nang paghakbang palapit sa mesang naroon. “Prove to us that you are worth it, Jackson. Kapag nagawa mo ang misyong ibibigay namin, pasok ka na sa grupo. Maaari ka na ring makasama sa ilang transaksiyong ginagawa namin. If that happens, you’ll earn more.” Jackson watched what he was doing. Mula sa ibabaw ng mesa ay kinuha nito ang isang puting folder saka iniabot sa kanya. Agad niya iyong kinuha saka binuklat kasabay ng pagwika ulit ni Solomon. “That would be your first mission.” “W-What is this?” nagtataka niyang sabi. Hindi pa maiwasang mapalunok ni Jackson. Sa loob ng folder ay larawan ng isang babae... hindi lang basta isang babae, kundi isang magandang babae! “I want that woman dead, Jackson,” narinig niyang sabi ni Solomon na agad nagpasinghap sa kanya. “What?!” “Anak iyan ng isa sa mga mahigpit na kalaban ng mga Javier. Her family has been our rival for years. Ang ama at tiyuhin din niyan ang dahilan kung bakit namatay ang kapatid kong si Daniel. I just want to avenge his death. So, kill her... and if you do, you will be one of us.” “W-Who is this?” he asked. “Nagmula sa pamilya De la Serna. I want all of them dead but let’s start with the eldest daughter. I’m sure her father would be devastated if she dies. She’s Lianna... Lianna Santibañez.” Agad na napatayo nang tuwid si Jackson nang marinig niya ang pangalang binanggit nito. It had been years but he could still remember that name. How could he forget that, when the handkerchief with that name embroidered on was still on him?Agad na ang pagsilay ng isang matamis na ngiti sa mga labi ni Lianna hindi pa man siya lubusang nakalalapit sa kanilang dining table. Naglalakad pa lang kasi siya ay agad na niyang natanawan ang kanyang mga magulang pati na ang nakababata niyang kapatid na si Vianna. Nakaupo na sa harap ng hapag ang mga ito at masayang nag-uusap-usap. Magsisimula pa lang kumain ang tatlo na pare-pareho pa ngang napalingon sa kanya nang mapansin ang kanyang presensiya.“There you are, Lia. Halika na’t mag-almusal,” nakangiting aya ng kanyang ina na si Jossa.Lianna smiled at her. Pumuwesto na siya sa silyang laging laan para sa kanya sa hapag na iyon. “Good morning everyone,” masiglang bati niya sa mga ito.“Good morning, Ate,” Vianna greeted back.Ngumiti siya sa kanyang kapatid. Vianna was just thirteen years old. Nasa unang taon na ito ng sekondarya at ngayon nga ay nakasuot na ng uniporme ng eskuwelahang pinapasukan nito.Ganoon kalayo ang agwat ng mga edad nilang magkapatid. Bente-tres anyos na si
Isang ngiti ang sumilay sa mga labi ni Lianna nang makita niya ang kanyang amang si Lemuel na naglalakad patungo sa kinaroroonan niya. Napatayo pa siya nang tuwid at hinintay itong tuluyang makalapit sa kanya.“I really want to believe now that you are treating me like an elementary student. Kulang na lang ay bantayan mo ako rito, Dad,” may kaaliwan sa tinig na saad niya rito.Her dad just shrugged his shoulders and roamed his eyes around the place. “May mali ba kung pumunta ako rito sa kompanya? I am still part of this anyway, Lia.”Lianna’s eyes rolled upwardly because of what her father said. Mula sa kinatatayuan ay tumuloy na siya sa paglalakad papunta sa kanyang opisina. Naramdaman niya pa ang pagsunod ng kanyang ama at nang lumingon siya rito ay nakita niyang patuloy pa ito sa paggala ng paningin sa paligid na para bang sinisigurong maayos ang lahat sa opisina niya.Napailing-iling pa si Lianna kasabay ng tuluyan niyang paglapit sa kanyang mesa at doon ay inilapag na ang kanyang
Mabibilis ang bawat hakbang na ginagawa ni Jackson upang makalayo sa lugar na pinanggalingan niya. Halos hindi na siya lumilingon sa kanyang likuran at ang tanging nasa isipan ay ang makaalis doon. Sa kanyang kanang kamay ay ang pag-aari niyang baril na nakahanda lamang para paputukin niya oras na makita siya ang mga taong humahabol sa kanya.He was in Sta. Monica. Probinsiya iyon ng kanyang ina at naroon siya upang balikan sana ang mga taong naging dahilan kung bakit hindi na niya kasama ang kanyang mga magulang.Jackson swallowed hard as he remembered everything that happened when he was just fourteen years old. His parents were ambushed by an illegal organization. Hindi naman talaga konektado ang mga magulang niya sa organisasyong iyon. Sadyang ang ama’t ina niya lang ang napagbintangan ng lider ng grupo na siyang kumuha ng malaking halaga ng mga ito.But his parents never did that. Isang matalik na kaibigan ng kanyang ama ang nangahas na traydurin at pagnakawan ang organisasyong k







