Share

CHAPTER 1

last update publish date: 2026-11-03 14:41:16

Isang ngiti ang sumilay sa mga labi ni Lianna nang makita niya ang kanyang amang si Lemuel na naglalakad patungo sa kinaroroonan niya. Napatayo pa siya nang tuwid at hinintay itong tuluyang makalapit sa kanya.

“I really want to believe now that you are treating me like an elementary student. Kulang na lang ay bantayan mo ako rito, Dad,” may kaaliwan sa tinig na saad niya rito.

Her dad just shrugged his shoulders and roamed his eyes around the place. “May mali ba kung pumunta ako rito sa kompanya? I am still part of this anyway, Lia.”

Lianna’s eyes rolled upwardly because of what her father said. Mula sa kinatatayuan ay tumuloy na siya sa paglalakad papunta sa kanyang opisina. Naramdaman niya pa ang pagsunod ng kanyang ama at nang lumingon siya rito ay nakita niyang patuloy pa ito sa paggala ng paningin sa paligid na para bang sinisigurong maayos ang lahat sa opisina niya.

Napailing-iling pa si Lianna kasabay ng tuluyan niyang paglapit sa kanyang mesa at doon ay inilapag na ang kanyang shoulder bag. Napahugot din siya ng isang malalim na buntonghininga bago muling nagwika.

“What do you think, Dad? Nakapasa ba ang opisina ko sa iyo?”

“Yes,” tumatango nitong sabi. “It’s just that, something is missing here.”

“And what is that?” napapataas pa ang kilay na tanong niya.

“A bodyguard,” mabilis na sagot ng kanyang ama.

“Dad!” bulalas niya. “You wouldn’t dare, would you?”

“Lianna---”

“Dad, I am now twenty-three, not three... not thirteen,” singit niya sa pagsasalita nito. “Besides, narito lang ako sa kompanya. Hindi ko kailangan ng bodyguard.”

“Kaligtasan mo lang ang iniisip ko.”

She smiled at her father lovingly. Muli siyang lumapit dito at ikinawit pa ang kanyang mga kamay sa kanang braso ng kanyang ama.

“And I am thankful for that, Dad,” aniya. Isinandal niya pa ang kanyang ulo sa balikat ni Lemuel habang nanatiling nakahawak sa braso nito. “But I won’t be needing it. May mga security naman dito sa kompanya. Hindi ko na kailangan ng personal bodyguard.”

Nauunawaan niya naman kung bakit ganoon na lamang kung mag-alala ang kanyang ama. Mula nang mga bata pa sila ng kapatid niyang si Vianna ay talagang sobrang protective na nito. Katunayan ay hindi lang ang kanyang ama. Maging ang kapatid nitio, ang kanyang Uncle Trace ay sobra din kung makabantay sa kanilang magpipinsan. Minsan pa nga ay daig pa nila ang mga nagmula sa royal family kung makahigpit ang mga ito.

At ngayong magsisimula na siyang magtrabaho sa kompanya ng kanilang pamilya ay naroon pa ang kanyang ama at wagas kung makasiguro sa kaligtasan niya. Pakiramdam niya tuloy ay isa siyang estudyante na kailangan pa nitong ihatid sa eskuwelahan.

Unang araw niya nga sa pagtatrabaho DLS Corporation, ang kompanyang pag-aari ng pamilya ng kanyang ama--- ang mga De la Serna. Her Daddy Lemuel was a De la Serna. Sadyang mas ginamit lang nito ang apelyido ng ina nito kaya Santibañez din maging ang apelyido niya.

Actually, magkapatid lang sa ama ang daddy niya at ang kanyang Uncle Trace. May isa pang kapatid ang mga ito, ang kanyang Auntie Anie. Iba-iba ang ina ng tatlo pero ganoon pa man ay maayos ang relasyon ng magkakapatid. Dahilan pa nga iyon para silang magpipinsan ay malalapit din sa isa’t isa.

Mayamaya pa ay narinig niya na ang pagpapakawala ng isang malalim na buntonghininga ng kanyang ama. Dama niyang suko na ito sa kanya.

“Fine,” saad nito na agad niyang ikinangiti. “Pagbibigyan kita, Lia. But if anything happens to you, whether you like it or not, ikukuha kita ng boduyguard.”

“Which is so impossible to happen, Dad,” maagap niyang sansala rito. “I will be safe, okay?”

Tumayo na nang tuwid si Lianna at bumitaw na sa kanyang ama. May nakapaskil pa ring ngiti sa kanyang mga labi nang magpatuloy pa siya sa pagsasalita.

“Are we spending our weekend at Sta. Monica, Dad?”

“I’m afraid, no, Lia,” tugon nito. “May ibang lakad ang mommy mo. Maybe some other time.”

Tumango na lamang siya. Nakaugalian na talaga nilang mag-anak ang umuwi paminsan-minsan sa Sta. Monica, ang probinsiya ng kanyang mga magulang. Madalas silang magtungo roon kapag weekend o hindi kaya ay holidays. Talagang bumili ng lupain ang mga magulang niya sa naturang probinsiya at pinatayuan ng bahay upang may mauwian sila kapag nais magtungo roon.

At sa tuwing pumupunta sila sa Sta. Monica ay hindi maiwasang sumagi sa isipan ni Lianna ang isang pangyayari nang pagkabata niya. Isang tao ang pilit na lumilitaw sa balintataw niya kahit pa halos hindi na niya masyadong maalala ang hitsura nito. That was ten years ago. She was only thirteen that time.

“Anyway, I am going now,” saad pa ng kanyang Daddy Lemuel sanhi para maiwaksi niya sa kanyang isipan ang alaalang iyon. “Kung may problema rito, just tell your Uncle Trace.”

“Yes, Dad,” sambit niya para mahinto na lang sa pangungulit ang kanyang ama.

Isang halik pa nga sa kanang pisngi ang ibinigay niya rito bago ito tuluyan nang lumabas sa kanyang opisina. Nang tuluyan nang makaalis ay saka pa lamang pinakawalan ni Lianna ang isang malalim na buntonghininga.

Hindi niya maiwasang isipin ang tungkol sa nais ng kanyang ama. Alam niyang isa sa mga araw na iyon ay ipagpipilitan na naman nitong magkaroon siya ng bodyguard. At bagay iyon na hindi niya gustong mangyari. She just wanted to live like normal girls did. At alam niyang hindi niya magagawa iyon kung magkakaroon siya ng bodyguard.

She sighed again. Siguro ay kailangan niya lang sundin ang kondisyon ng kanyang ama--- ang walang mangyaring masama sa kanya para hindi na siya nitong pilitin pang magkaroon ng bodyguard.

*****

PABALIKWAS na bumangon si Jackson mula sa kama saka isa-isang dinampot ang mga damit niyang nagkalat sa sahig. Nagsimula na siyang isuot ulit ang mga iyon nang marinig niya ang tinig ng babaeng kasama niya.

“Aren’t you spending the night here with me? Maaga pa, Jackson. Care for another round?” mapang-akit na sambit ni Claudette, ang babaeng kanina lang ay kaniig niya.

Jackson turned to look at her. Dito na siya nakatitig habang inaayos na ang sinturon sa kanyang pantalon.

The woman was still fully naked. Hindi man lang ito nag-abalang takpan ang katawan. Ni hindi rin nga nito itinago ang pagtitig sa kanya na puno pa ng pagnanasa kahit na katatapos pa lamang nila magtalik.

He had known Claudette for three years now. Sa birthday party ng isang kaibigan niya ito nakilala. Una pa lang ay nagpakita na ng interes sa kanya ang dalaga, bagay na pinatulan niya. They dated and had sex for countless of times. Pero hanggang doon lang. Ni hindi niya matawag na isang relasyon ang mayroon sila ng dalaga. Bed buddies, puwede pa.

Wala siyang ipinangako rito. Ni hindi niya rin naman ito binibigyan ng pahiwatig na mas palalimin pa ang kung ano ang mayroon sa kanilang dalawa. Minsan pa nga ay sinasadya niyang huwag katagpuin ang dalaga. Sadyang ito lamang ang laging naghahangad na magkita silang dalawa... pagkikita na mas madalas ay nauuwi lamang sa kama.

“I told you, magiging abala ako sa susunod na mga araw, Claudette. Baka ito muna ang huli nating pagkikita.”

“Huli?” ulit nito sa sinabi niya. “And care to tell me kung ano ang pagkakaabalahan mo? Is it a job?”

“It’s something that doesn’t concern you so, much better if you don’t know anything,” tugon niya na naging dahilan para agad itong mapaupo sa kama.

“Doesn’t concern me? Jackson, I am your girlfriend. How come I don’t have the right to know about it?”

Natigil sa akmang pagsuot ng kanyang T-shirt si Jackson. Hawak na niya ang naturang damit sa kanyang kamay ngunit sa halip na isuot na iyon ay nilapitan niya pa muna si Claudette na nang mga sandaling iyon ay nanliliit na ang mga matang nakatitig sa kanya.

“Since when did you become my official girlfriend, Claudette? Having sex with you doesn’t mean we are on an exclusive relationship.”

“How dare you!” she hissed at him.

Jackson sighed. “I was clear since the first day that we dated, Claudette,” aniya kasabay ng pagpatuloy na sa pagbibihis. “Sinabi ko nang wala akong maipapangako sa iyo. You said it was okay. Now, you are demanding for something?”

“Yeah, right,” sarkastiko nitong sabi sabay tayo na rin mula sa kama. Pahablot nitong pinulot ang underwear na kasama kanina ng mga nagkalat niyang damit at muli na iyong isinuot sa sarili kasabay ng muli pang pagwika. “Wala kang panahon para sa isang seryosong relasyon dahil abala ka riyan sa mga plano mong paghihiganti sa pagkamatay ng mga magulang mo.”

Jackson’s jaws tightened. Hindi lingid kay Claudette ang tungkol sa bagay na iyon. Nabanggit niya na iyon sa dalaga.

“It has been years, Jackson. You were only fourteen when your parents were killed. Trenta y tres ka na ngayon pero ang paghihiganti pa rin ang nasa isipan mo. You are not getting any younger. Ibubuhos mo na lang ba ang buong buhay mo sa paghahabol sa mga taong pumatay sa mga magulang mo?”

Hindi siya sumagot sa mga sinabi nito at sa halip ay lumapit na lamang sa mesitang naroon. Agad na niyang kinuha ang kanyang cell phone at ang susi ng kanyang sasakyan.

“Jackson---”

“If I have to spend the rest of my life seeking justice for my parents’ death, so be it, Claudette. Hindi ako titigil hangga’t hindi ko napapagbayad ang grupong sumira ng pamilya namin.”

Claudette was about to say something when he continued talking. Dahilan pa iyon para maitikom nitong muli ang bibig.

“Alam kong seryosong relasyon ang hanap mo. It was something I couldn’t give to you,” wika niya sa seryosong tinig. “Maybe we should end everything between us here.”

“No,” mabilis nitong sansala sa mga sinabi niya. Lumapit pa ang dalaga sa kanya saka mahigpit na hinawakan ang kanyang mga kamay.

Agad nang umiwas si Jackson. Inalis niya ang mga kamay nitong nakahawak sa kanya saka naglakad pa palapit sa may pintuan. “Goodbye, Claudette.”

“I will make you regret this, Jackson. I swear, you will regret this.”

Hindi na lumingon si Jackson. Ni hindi na siya sumagot pa sa mga sinabi nito. Alam niyang nagagalit ang dalaga dahil sa pakikipaghiwalay na ginawa niya. He also knew she felt insulted knowing that he wasn’t serious on her despite the fact that they’ve been having sex countless of times already.

Pero wala pa sa isipan niya ang pumasok sa isang seryosong relasyon. All he had in mind was to avenge his parents’ death. At alam niya na ang pag-ibig ay sadyang makasisira lang sa mga plano niya. He didn’t want distraction. He didn’t want to ruin all his plans.

Naglalakad na palapit sa kanyang sasakyan si Jackson nang mayamaya ay tumunog ang cell phone niya. Dahil sa hawak niya lamang iyon ay naging madali para sa kanya ang tingnan kung sino ang caller.

It was Ysmael, his friend who was helping him on his plans. Pagkakita nga sa pangalan nito ay agad na niyang sinagot ang naturang tawag.

“Hello, Ysmael,” bungad niya rito kasabay ng pagsakay na sa may driver’s seat ng kanyang sasakyan.

“Hello, Jackson,” anito mula sa kabilang linya. “Everything is settled. Bukas ay gusto kang makausap ni Solomon Javier. Handa siyang tanggapin ka bilang bagong tauhan niya.”

Jackson stopped on his tracks. Napaupo siya nang tuwid sa may driver’s seat at saglit na prinoseso sa kanyang isipan ang mga sinabi ni Ysmael.

Kasalukuyang si Solomon Javier ang namamahala ng illegal na organisasyong naging salarin sa pagkamatay ng mga magulang niya. And Ysmael was one of his men. Pero hindi talaga masamang tao si Ysmael. Kasamahan niya ito sa trabaho bilang undercover agent ng mga awtoridad. Sumali lang ang kaibigan niya sa naturang organisasyon upang makakuha ng impormasyon tungkol dito.

And he also planned on joining the organization. Hindi iyon kasama sa trabaho niya. Ni hindi alam ng kanilang superior. He filed an indefinite leave just to do his plan. At iyon ay para personal na pasukin ang grupo ng mga Javier para siya mismo ang sumira niyon.

That was his plan. He will join them, not to become one of them, but instead, to ruin everything that the organization had. Kapag nagawa niya iyon, nabigyan niya na rin ng hustisya ang pagkamatay ng mga magulang niya.

“Ganoon lang kadali? Pumayag silang ipasok mo ako?” tanong niya rito.

“Of course not,” Ysmael answered. “They will test your loyalty first. They will give you a mission tomorrow. Kapag nagawa mo, kasama ka na sa grupo. And once you are in, you can start avenging your parents’ death.”

Agad na napatiim ang mukha ni Jackson. Kung ang paggawa ng misyong sinasabi ni Ysmael ang tanging paraan para makapasok siya sa grupo ng mga Javier ay gagawin niya... as long as that mission won’t complicate things.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • His Heart Series 4:His Tainted Heart   CHAPTER 2

    Agad na ang pagsilay ng isang matamis na ngiti sa mga labi ni Lianna hindi pa man siya lubusang nakalalapit sa kanilang dining table. Naglalakad pa lang kasi siya ay agad na niyang natanawan ang kanyang mga magulang pati na ang nakababata niyang kapatid na si Vianna. Nakaupo na sa harap ng hapag ang mga ito at masayang nag-uusap-usap. Magsisimula pa lang kumain ang tatlo na pare-pareho pa ngang napalingon sa kanya nang mapansin ang kanyang presensiya.“There you are, Lia. Halika na’t mag-almusal,” nakangiting aya ng kanyang ina na si Jossa.Lianna smiled at her. Pumuwesto na siya sa silyang laging laan para sa kanya sa hapag na iyon. “Good morning everyone,” masiglang bati niya sa mga ito.“Good morning, Ate,” Vianna greeted back.Ngumiti siya sa kanyang kapatid. Vianna was just thirteen years old. Nasa unang taon na ito ng sekondarya at ngayon nga ay nakasuot na ng uniporme ng eskuwelahang pinapasukan nito.Ganoon kalayo ang agwat ng mga edad nilang magkapatid. Bente-tres anyos na si

  • His Heart Series 4:His Tainted Heart   CHAPTER 1

    Isang ngiti ang sumilay sa mga labi ni Lianna nang makita niya ang kanyang amang si Lemuel na naglalakad patungo sa kinaroroonan niya. Napatayo pa siya nang tuwid at hinintay itong tuluyang makalapit sa kanya.“I really want to believe now that you are treating me like an elementary student. Kulang na lang ay bantayan mo ako rito, Dad,” may kaaliwan sa tinig na saad niya rito.Her dad just shrugged his shoulders and roamed his eyes around the place. “May mali ba kung pumunta ako rito sa kompanya? I am still part of this anyway, Lia.”Lianna’s eyes rolled upwardly because of what her father said. Mula sa kinatatayuan ay tumuloy na siya sa paglalakad papunta sa kanyang opisina. Naramdaman niya pa ang pagsunod ng kanyang ama at nang lumingon siya rito ay nakita niyang patuloy pa ito sa paggala ng paningin sa paligid na para bang sinisigurong maayos ang lahat sa opisina niya.Napailing-iling pa si Lianna kasabay ng tuluyan niyang paglapit sa kanyang mesa at doon ay inilapag na ang kanyang

  • His Heart Series 4:His Tainted Heart   PROLOGUE

    Mabibilis ang bawat hakbang na ginagawa ni Jackson upang makalayo sa lugar na pinanggalingan niya. Halos hindi na siya lumilingon sa kanyang likuran at ang tanging nasa isipan ay ang makaalis doon. Sa kanyang kanang kamay ay ang pag-aari niyang baril na nakahanda lamang para paputukin niya oras na makita siya ang mga taong humahabol sa kanya.He was in Sta. Monica. Probinsiya iyon ng kanyang ina at naroon siya upang balikan sana ang mga taong naging dahilan kung bakit hindi na niya kasama ang kanyang mga magulang.Jackson swallowed hard as he remembered everything that happened when he was just fourteen years old. His parents were ambushed by an illegal organization. Hindi naman talaga konektado ang mga magulang niya sa organisasyong iyon. Sadyang ang ama’t ina niya lang ang napagbintangan ng lider ng grupo na siyang kumuha ng malaking halaga ng mga ito.But his parents never did that. Isang matalik na kaibigan ng kanyang ama ang nangahas na traydurin at pagnakawan ang organisasyong k

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status