LOGIN
Mabibilis ang bawat hakbang na ginagawa ni Jackson upang makalayo sa lugar na pinanggalingan niya. Halos hindi na siya lumilingon sa kanyang likuran at ang tanging nasa isipan ay ang makaalis doon. Sa kanyang kanang kamay ay ang pag-aari niyang baril na nakahanda lamang para paputukin niya oras na makita siya ang mga taong humahabol sa kanya.
He was in Sta. Monica. Probinsiya iyon ng kanyang ina at naroon siya upang balikan sana ang mga taong naging dahilan kung bakit hindi na niya kasama ang kanyang mga magulang.
Jackson swallowed hard as he remembered everything that happened when he was just fourteen years old. His parents were ambushed by an illegal organization. Hindi naman talaga konektado ang mga magulang niya sa organisasyong iyon. Sadyang ang ama’t ina niya lang ang napagbintangan ng lider ng grupo na siyang kumuha ng malaking halaga ng mga ito.
But his parents never did that. Isang matalik na kaibigan ng kanyang ama ang nangahas na traydurin at pagnakawan ang organisasyong kinabibilangan nito. He set up his parents and because of what he did, his parents were accused of stealing and the one being killed by that organization.
Dahil sa pangyayaring iyon ay maagang naulila si Jackson at tanging ang kanyang Lolo Teodoro, ama ng kanyang ina, na lamang ang nagpalaki sa kanya. His grandfather did his best to raise him. Alam niyang pilit din nitong ginagawa ang lahat upang maibalik sa normal ang buhay niya matapos ang malagim na sinapit ng kanyang mga magulang.
Pero alam ni Jackson na ang pangyayaring iyon ay naging dahilan na para tuluyang mag-iba ang lahat sa kanya. Nabalot siya ng galit para sa mga taong pumaslang sa kanyang ama’t ina. Nabalot siya ng kagustuhang maipaghiganti ang pagkawala ng mga ito.
At dala-dala ni Jackson ang kagustuhang iyon hanggang ngayong bente-tres anyos na siya. After nine years since his parents was assassinated, he was starting to avenge their death.
Bente anyos na siya nang simulan niyang alamin ang lahat tungkol sa organisasyong pumatay sa mga magulang niya. Bagay iyon na hindi na niya ipinaalam pa sa kanyang abuelo. Alam niyang mag-aalala lang ito kapag nalamang gumagawa siya ng hakbang para ipaghiganti ang nangyari sa kanyang ama’t ina.
Now that he’s twenty-three, Jackson was able to know a few things about the organization. Iyon pa nga ang dahilan kung bakit siya naroon sa Sta. Monica. Napag-alamanan niyang may isasagawang transaksyon ang naturang organisasyon, transaksiyong balak niya sanang isabutahe.
“Shit!” malutong niyang pagmumura nang hindi makita ang malaking ugat ng matandang punong nadaanan niya. Muntik na siyang matalisod doon kung hindi niya lang agad nabawi ang kanyang balanse.
Humihingal na nagpasya siyang sumalampak na lamang muna sa may puno. Naisandal niya pa ang kanyang sarili roon habang sapo-sapo ang kanyang kanang balikat kung saan may umaagos nang sariwang dugo.
“Damn it!” he cursed once more.
Nagawa niyang makalapit sa abandonadong lote kung saan isinasagawa ang illegal na transaksyon. Ngunit nang akmang gagawa na siya ng hakbang upang guluhin ang mga ito ay nakita siya ng isang tauhan ng mga Javier--- ang pamilyang siyang namamalakad ng grupong pumaslang sa mga magulang niya.
Nagkaputukan. May ilang tauhan din ang mga Javier na natamaan niya ngunit hindi rin siya lubusang nakaiwas sa bala na mula sa mga ito. Nagtamo siya ng tama sa kanyang kanang balikat na ngayon nga ay iniinda niya.
Jackson roamed his eyes around the place. Nakalayo na rin naman siya mula sa loteng pinangyayarihan ng transaksyon ng mga Javier. Sa pagtakbo niya nga ay nakarating siya sa isang pribadong lupain na hindi na niya alam kung sino ang nagmamay-ari. Dahil sa kagustuhang makalayo sa mga kaaway ay basta na lamang siyang pumasok doon.
“You are bleeding, Mister...”
Marahang napasinghap si Jackson nang marinig ang mahinang tinig na iyon. Agad pa siyang naging alerto at ihahanda na sana ang baril na hawak niya pa. Sadyang natigilan lamang siya nang isang batang babae ang kanyang nakita. Parang hindi malaman ang gagawin na nakatitig ito sa kanya, partikular sa bahagi ng T-shirt niyang nagkulay pula na dahil sa dugong nagmumula sa kanyang sugat.
The girl walked towards him. Sa hindi malamang dahilan ay bigla niyang naitago ang kanyang baril sa kanyang likuran sa takot na makita nito iyon. If he wasn’t mistaken she’s only thirteen or fourteen years old. Matanda siya marahil dito ng sampung taon.
“Don’t come near me,” he hissed at her. Ang mga sinabi niya ay naging dahilan pa para mapapiksi ito. “You should leave me alone.”
“B-But it is you who is in our property, Mister,” anito na nakapagpatigil sa kanya. So, ang pamilya ng batang ito ang may-ari ng lupaing napasok niya. “Though, hindi pa naman talaga sa amin ito. Binibili pa lang nina Mommy at Daddy.”
“I am not interested in your story,” paasik niya pa ring sabi rito. “Just leave me alone.”
Walang panahon si Jackson makipag-usap dito. Mas makabubuti kung lalayuan siya nito dahil ano mang sandali ay baka masundan siya roon ng mga tauhan ng mga Javier.
Though he doubted it. Nakalayo na rin naman siya at paniguradong hindi mangangahas ang mga humahabol sa kanya na pumasok sa pribadong properiadad. Sadyang hindi niya lang gustong magpakakampante. Kahit pa sabihing nasa dulong bahagi na yata sila ng malawak na lupaing iyon at malayo na nga rin sa loteng kinaroroonan ng mga Javier ay gusto niya pa ring mag-ingat. Besides, he didn’t want this girl to be involved on what happened to him.
“B-But you have a wound. You are bleeding.” Saglit pa itong huminto sa pagsasalita at lumingon sa pinanggalingan nito. “My mom and dad are there. They can help you with your wound and---”
“No,” pagtatapos na niya sa mga sinasabi nito. “You don’t need to call them. Just leave. Aalis na rin ako pagkaalis mo.”
The girl stared at the barbed wire fence. Doon siya pilit na pumasok kanina para makapagtago sa lupaing iyon, lupaing ayon nga sa batang ito ay binibili ng mga magulang nito.
“Umalis ka na,” untag niya pa nang hindi pa rin ito tumitinag sa kinatatayuan.
Muli na siyang tinitigan ng batang babae. Bago pa man sundin ang mga sinabi niya ay may kinuha ito sa bulsa ng suot nitong bestida saka iyon iniabot sa kanya--- a handkerchief.
“For the blood in your wound. It’s clean,” wika pa nito habang iniaabot sa kanya ang panyo.
Wala nang nagawa si Jackson kundi ang kunin iyon. Tinanggap niya na iyon upang sundin na nito ang mga sinabi niya na umalis na.
Somehow, he couldn’t help but feel grateful for her. Alam niyang sinsero naman ang pagtulong na ginagawa nito at dahil sa bata pa nga ay alam niyang wala itong ideya kung saan maaaring nagmula ang sugat niya.
“What is your name?” tanong niya.
“It’s on that handkerchief. Pinaburda ni Mommy ang pangalan ko sa mga panyo ko, pati na rin sa kapatid ko,” pagkukuwento na naman nito. Too innocent to just share some details about her to a stranger like him.
“I am Lianna... Lianna Santibañez.”
Jackson didn’t say a word. Hinihintay niya na lamang umalis ito ngunit mistula bang may hinihintay pa ang bata.
“How about you? Who are you, Mister?”
“Tyler,” tipid niyang sagot at wala nang idinagdag pa.
Well, he wasn’t lying. Jackson Tyler Sandoval naman talaga ang buong pangalan niya pero hindi na niya gustong ipaalam iyon sa bata. Wala itong alam sa kanya ay mas maigi.
“Lianna! Lianna!” magkasunod na pagtawag ng tinig ng isang babae.
Agad na naalerto si Jackson. Inihanda niya pa ang kanyang sarili sa pag-alis ano mang oras na dumating ang sino mang tumatawag kay Lianna.
“That is my mom,” imporma pa nito sa kanya.
“Go to her and just leave me alone. Don’t tell her anything about me,” mariin niyang sabi.
“W-Will you be okay?”
“Just leave,” pagtataboy niya pa na hindi na pinansin ang tanong nito.
Dahil marahil sa nakikitang ekspresyon sa kanyang mukha ay lumarawan ang bahagyang takot sa mukha ni Lianna. Though, Jackson could still see some hesitation on her face, she decided to leave already. Dama niyang nag-aalala ito sa sugat na mayroon siya at kahit papaano ay ipinagpapasalamat niya ang pagmamalasakit nito.
But he couldn’t drag her to his mess. Bata pa ito at inosente. Hindi niya gustong madamay ito sa gulong pinasok niya.
Mayamaya ay tuluyan na ngang umalis si Lianna. Naglakad na ito palayo at kahit hindi na niya ito nakikita dahil sa nagtataasang damo’t halaman ay narinig niya pa rin ang tinig ng babaeng tumawag dito kanina.
“Where have you been, Lia? Kailangan na nating umalis sabi ng Daddy mo. May gulo raw na nangyari sa hindi kalayuan dito. We need to leave.”
“Y-Yes, Mom,” Lianna answered.
Nag-uusap pa ang mga ito habang naglalakad na papalayo. Alam niyang ang gulong tinutukoy ng ina ni Lianna ay ang barilang naganap sa pagitan niya at ng mga Javier. And he couldn’t help but to smirk. Somehow, what he wanted happened--- nagulo niya ang transaksyong mayroon ang organisasyon.
Hinamig niya na ang kanyang sarili. Kailangan niya nang makaalis sa lugar na iyon bago pa man may makakita sa kanya. Sinubukan na niyang tumayo habang iniinda pa rin ang tamang natamo.
Sa pagtayo niya, hindi niya pa nga maiwasang mapayuko sa kamay niyang may hawak ng panyong iniabot sa kanya ng bata kanina. Marahan niya pa iyong binuklat at hindi nga nagsisinungaling ito nang sabihing nakaburda sa kapirasong telang iyon ang pangalan nito--- Lianna Santibañez...
Agad na ang pagsilay ng isang matamis na ngiti sa mga labi ni Lianna hindi pa man siya lubusang nakalalapit sa kanilang dining table. Naglalakad pa lang kasi siya ay agad na niyang natanawan ang kanyang mga magulang pati na ang nakababata niyang kapatid na si Vianna. Nakaupo na sa harap ng hapag ang mga ito at masayang nag-uusap-usap. Magsisimula pa lang kumain ang tatlo na pare-pareho pa ngang napalingon sa kanya nang mapansin ang kanyang presensiya.“There you are, Lia. Halika na’t mag-almusal,” nakangiting aya ng kanyang ina na si Jossa.Lianna smiled at her. Pumuwesto na siya sa silyang laging laan para sa kanya sa hapag na iyon. “Good morning everyone,” masiglang bati niya sa mga ito.“Good morning, Ate,” Vianna greeted back.Ngumiti siya sa kanyang kapatid. Vianna was just thirteen years old. Nasa unang taon na ito ng sekondarya at ngayon nga ay nakasuot na ng uniporme ng eskuwelahang pinapasukan nito.Ganoon kalayo ang agwat ng mga edad nilang magkapatid. Bente-tres anyos na si
Isang ngiti ang sumilay sa mga labi ni Lianna nang makita niya ang kanyang amang si Lemuel na naglalakad patungo sa kinaroroonan niya. Napatayo pa siya nang tuwid at hinintay itong tuluyang makalapit sa kanya.“I really want to believe now that you are treating me like an elementary student. Kulang na lang ay bantayan mo ako rito, Dad,” may kaaliwan sa tinig na saad niya rito.Her dad just shrugged his shoulders and roamed his eyes around the place. “May mali ba kung pumunta ako rito sa kompanya? I am still part of this anyway, Lia.”Lianna’s eyes rolled upwardly because of what her father said. Mula sa kinatatayuan ay tumuloy na siya sa paglalakad papunta sa kanyang opisina. Naramdaman niya pa ang pagsunod ng kanyang ama at nang lumingon siya rito ay nakita niyang patuloy pa ito sa paggala ng paningin sa paligid na para bang sinisigurong maayos ang lahat sa opisina niya.Napailing-iling pa si Lianna kasabay ng tuluyan niyang paglapit sa kanyang mesa at doon ay inilapag na ang kanyang
Mabibilis ang bawat hakbang na ginagawa ni Jackson upang makalayo sa lugar na pinanggalingan niya. Halos hindi na siya lumilingon sa kanyang likuran at ang tanging nasa isipan ay ang makaalis doon. Sa kanyang kanang kamay ay ang pag-aari niyang baril na nakahanda lamang para paputukin niya oras na makita siya ang mga taong humahabol sa kanya.He was in Sta. Monica. Probinsiya iyon ng kanyang ina at naroon siya upang balikan sana ang mga taong naging dahilan kung bakit hindi na niya kasama ang kanyang mga magulang.Jackson swallowed hard as he remembered everything that happened when he was just fourteen years old. His parents were ambushed by an illegal organization. Hindi naman talaga konektado ang mga magulang niya sa organisasyong iyon. Sadyang ang ama’t ina niya lang ang napagbintangan ng lider ng grupo na siyang kumuha ng malaking halaga ng mga ito.But his parents never did that. Isang matalik na kaibigan ng kanyang ama ang nangahas na traydurin at pagnakawan ang organisasyong k







