I had so much fun here in Palawan. Pakiramdam ko, nagagawa ko ang gusto ko na hindi ko nagagawa noon. I'm not sure pero ito ang nararamdaman ko. Nagawa kong maligo sa beach na masaya, madami rin kaming activities na ginawa ni Skyler mapadagat man o land dito pa lang sa Isla Vista Resort nitong nakaraan buwan. At ngayon, hindi ko namalayang nakangiti na pala ako habang nakaupo sa passenger seat ng lumang pickup ni Skyler. Nakabukas ang bintana kaya malayang pumapasok ang malamig na simoy ng hangin na may halong maalat na amoy ng dagat. Tahimik lang siyang nagmamaneho habang ako naman ay abalang pinagmamasdan ang bawat tanawin na dinaraanan namin. "Welcome to Palawan," nakangiti niyang sabi. Hindi ko alam kung bakit, pero parang may kakaibang init na dumaloy sa dibdib ko. Habang papalayo kami sa Isla Vista Resort, mas lalo kong nakita ang kagandahan ng isla. Napapalibutan kami ng matatayog na niyog at luntiang kabundukan na tila ba yumayakap sa bawat kalsadang dinaraanan namin.
آخر تحديث : 2026-08-04 اقرأ المزيد