Serravalle's Daddy and his little Bunny:Serravalle Brothers3

Serravalle's Daddy and his little Bunny:Serravalle Brothers3

last updateLast Updated : 2026-08-10
By:  ROSENAV91Ongoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
9 ratings. 9 reviews
12Chapters
393views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

All Seraiah ever wanted was to make her parents proud by becoming a successful model. Pero nagbago ang lahat nang maaksidente ang sinasakyan niyang bangka habang nagbabakasyon mag-isa sa Isla ng Palawan. Pagmulat ng kanyang mga mata, wala siyang maalala, hindi ang kanyang pangalan, hindi ang kanyang nakaraan, at lalong hindi ang lalaking nagpakilalang asawa niya. Austin Serravalle never planned to lie. Ngunit nang makita niyang may selective amnesia ang babaeng iniligtas niya mula sa dalampasigan, gumawa siya ng isang desisyong babago sa buhay nilang dalawa—nagkunwari siyang asawa nito. What started as a lie slowly turned into the kind of love neither of them expected. But when Seraiah's memories returned, she left the island without a single goodbye, taking with her a secret Austin would never imagine. Seven years later, fate brings them together once more. Austin discovers the heartbreaking truth—he has a seven-year-old daughter he never knew existed. Now he must face the consequences of the lie that started it all, while Seraiah is forced to confront the love she left behind. Can a love born from a lie survive the truth buried for seven long years? And how do you tell a little girl that the father she's always dreamed of never even knew she existed? Will Austin Serravalle finally win back the family he unknowingly lost, or will the past steal his second chance at forever? 3 stories, 3 writers, 3 Brothers... Hidden Baby Secrets Unfold. Serravalle Brothers Series Collaboration 1. SERRAVALLE'S secret Baby (Serravalle BROTHERS Series 1) by GUEMBYOEL 2. Serravalle's Hidden Heir (Serravalle Brothers Series 2) by Yvette Stephanie 3. Serravalle's Daddy and his little Bunny ( Serravalle Brothers Series 3) by ROSENAV91

View More

Chapter 1

Prologue

“Good morning, Austin."

“Good morning, Clark. Have a seat. Thanks for meeting with me today. I wanted to discuss the project proposal before we submit it to the board next week.” bati ko sa kanya, he is an engineer and my friend, pagkatapos nitong umupo sa bakanteng couch dito sa loob ng opisina ko ay saka rin ako umupo sa isa pang-single couch para umpisahan ang discussion ko sa kanya. Pumasok ang secretary ko para dalhan kami ng coffee. Agad din naman itong umalis pagkatapos i-serve ito sa amin.

Nilabas ni Clark ang mga documents at binigay ito sa akin. Tiningnan ko ito ng maigi bago gumawa ng desisyon. "No problem at all. I've reviewed the documents you sent through email, and I think the proposal is well-structured. There are just a few details we need to finalize," simula niya.

"That's good to hear. Which parts do you think need improvement?”

"Mainly the budget allocation and timeline. The estimated costs look reasonable, but I think we should add a contingency fund in case unexpected expenses come up during construction.” Nilagay ko ang mga papeles na binigay niya sa akin at kinuha ang tasa ng kape and sip on it.

“That's a good point. I'll adjust the budget and include an additional ten percent for unforeseen costs." sabi ko sa kanya at nakita ko ang pagtango niya.

“Perfect. As for the timeline, are we still aiming to complete the project within twelve months or more?" Napaisip ako sa tanong niya at sa tingin ko naman kailangan ko na agad itong simulan.

“Yes, that's still the goal, wag lang tumagal ng sobra. However, it depends on material availability and weather conditions. Delays are always possible."

“Yeah, agreed. We should mention that in the proposal so expectations remain realistic.”

“I'll make a note of it. By the way, since we're talking about construction, I wanted to ask you something personal.” Seryoso kong sabi sa kanya. Hinintay ko muna itong uminom ng kanyang kape bago sumagot.

"Sure. What's on your mind?” Tanong nito sa akin, ayoko sana itong gawin muna sa ngayon pero pakiramdam ko, gusto ko magkaroon ng sariling bahay bukod sa palagi na lang umu-uwi sa bahay ng mga magulang ko o matulog sa hotel o dito sa opisina ko.

Baka sakaling, kung magkaroon ako ng sarili kong bahay, I found my peace on that place.

"I'm planning to build a house next year, and I'd appreciate your opinion. You've managed several residential projects, so I trust your judgment.” panimula ko. Nakita ko kung paano nasiyahan si Clark sa sinabi ko, he really love his job huh.

“I'd be happy to help. Well…have you already purchased the land?”

I nodded my head. “Yes, I bought a lot just outside the city. It's spacious and has a great view of the mountains and ocean."

"Wow. That sounds like a wonderful location huh. Have you decided on the type of house you want? Marami tayong choices."

“Hmm,not yet at this moment. I'm torn between a modern design and something more traditional. I want the house to feel elegant but also practical." Mungkahi ko sa kanya na agad naman niyang tinanguhan.

“In that case, I would recommend a modern design with traditional elements. It gives you the best of both worlds, like clean lines and efficient space while maintaining a warm atmosphere. D’yan palang, kapag pumasok ang mga bisita, sobrang pleasant sa kanilang mga mata ang makikita nila dahil sa idea nating ito,” dagdag niya pa na para bang nakikita na naming dalawa ang kinalabasan pagnatapos na ang bahay na agad ko namang sinang-ayonan.

“That's exactly what I'm looking for, Clark. Pero sa tingin mo, how many bedrooms do you think would be ideal?" Really self, ako lang naman ang titira at pwede na siguro bedroom para sa mga guests? Tapos magtatanong pa ako kung ilang bedroom? Tsk.

"It depends on your future plans, Austin. If you're planning to start a family, I would suggest at least four bedrooms. It's always better to have extra space than not enough. Or more than that para na rin sa mga bisita like your parents and your siblings.” Start a family? Bakit bigla akong nabingi sa sinabi niya rito?

Kailangan ko na bang mag-umpisang magkapamilya? May two brothers are now happily married with their kids, while me? I'm still thinking about my purpose in this life. After what happened? Wala pa sa isip ko ang magkapamilya.

"Sabagay, sa punto na yan, you're right. Pag-isipan ko muna. What about home offices? Do you think they're still important?" I asked, changing the topic.

“Absolutely. Even if you don't work from home regularly, having a dedicated workspace adds value and flexibility to the property. Sa tulad nating businessman, dapat meron tayong space sa bahay natin na kung saan doon lang tayo nagtatrabaho, pero nasa iyo din naman iyan, may araw pa para pag-isipan.” Pagmamalaki niya pa.

“That's a great idea. I hadn't considered the long-term benefits.”

“And also, don't forget about storage. Many homeowners focus on appearance and forget practical features like closets and utility rooms." dagdag niya pa.

“I'll keep that in mind. Do you know any reliable architects?"

“Yes, I can recommend a few professionals who specialize in custom homes. They can help turn your ideas into a detailed plan. Kung may katanungan ka pa, just let me know.” Ito ang gusto ko sa kanya eh, mabilis lapitan. Well, business is business pa rin naman ito.

“I'd appreciate that. Thank you, Clark.”

Mahina itong natawa at tumango. “You're welcome. Let's finish revising this proposal first, and then we can discuss your dream house in more detail. Mukhang may napupusuan ka na at gusto ng magka-pamilya.”

“Nahh, as of now wala pa naman pero malay natin in the future, ikaw ang unang makakaalam." sabi ko at masaya itong marinig ang sinabi ko.

Pinagpatuloy namin ang meeting at nagtagal ito pagsapit ng tanghalian, pagkatapos kong yayain si Clark mag-lunch ay agad din naman itong umalis dahil may gagawin pa ito.

Naiwan ako sa loob ng office at pinagmasdan ang mga documents na kailangan kong asikasuhin sa lalong madaling panahon.

Ilang segundo lamang ay narinig ko ang pag-vibrate ng aking cellphone. Kinuha ko ito sa office table at binuksan. "Cyrus Yaya is calling?” Nagtataka kung bakit tumawag ang pamangkin ko ay agad kong pinindot ang green call para sagutin ang tawag.

"Hello Tito Austin–” I felt relieved when I heard his jolly voice. I thought something happen.

"Yes, buddy?"

“Can…can you pick me up in our house? I want to go to the mall and buy something, do you have time for me, Tito Austin? Mommy and daddy are busy right now eh-” pagmamakaawa nito sa akin sa maliit na boses.

“Of course buddy, Just give me fifteen minutes and I'll fetch you there." Pangako ko sa kanya at agad kong narinig ang masayang boses nito sa kanyang Yaya at sinabi ang change new clothes.

Nagmamadali naman akong magligpit ng mga gamit para samahan si Cyrus sa mall, anak ni kuya Cloud.

Pagdating namin sa mall, agad naman niyang sinabi kong saan siya patungo. Pagdating namin sa store na nagtitinda ng mga laruan ay akala mo wala siyang kasama, tumakbo at iniwan lang ako pagpasok na pagpasok mismo ng p***o. Napailing na lang ako, hindi naman halata na excited ang bata. Andon naman ang kanyang Yaya at pag-okay na ang mga laruan na pinili niya ay saka iyon lalapit sa akin para ako ang magbabayad. Kung wala lang akong utang kay kuya Cloud ay baka nasingil ko na iyon dahil sa ilang libo na ang nagastos ng pamangkin ko. But who cares, that's my store actually. Noong una, inilihim ko ito sa mga kuya ko, pero kalaunan nalaman din nila.

Habang naghihintay kay Cyrus, nag-ikot ikot din muna ako sa loob ng store at baka may mabili ako para sa mga kambal na pangalawang anak ni kuya Cloud at baby Jaxon na anak naman ni kuya Chase. Yeah, they are happily married and while I am? Just a man who loves to spoil his nephews and niece.

“Are you playing that?" Napalingon ako sa bandang likuran ko na may marinig na maliit na boses ng babae at nang makita ko ang isang paslit na bata na naka-angry emoji ang mukha na nakatingin sa akin habang yakap ang isang laruan na kulay gray na bunny ay napataas bigla ang isang kilay ko.

"Are you talking to me?” Turo ko sa sarili ko.

"Of course yeah, who else pa po?” mataray nitong sabi at aba uma-attitude. Ni wala pang ibang babae na guma-ganito sa akin, sa isang paslit na bata pa lamang.

"Are you buying that toy?” Tanong nito at aba tingnan mo kung makatingin, mula ulo hanggang paa, jinajudge ako ng batang ito ah, " and looking at your height, are you still playing that?” turo niya sa hawak ko at nang balikan ko ang hawak ko na laruan na barbie ay biglang umusok ang ilong ko,sa daming laruan, bakit ito ang nasampot ko? Pero bata ito at hindi pwedeng patulan at baka makasuhan pa ako ng mga magulang niya.

I'm still playing this? What the? What does she think of me? That I'm…gay?

Binalik ko ang attention sa bata na naghihintay ata ng sagot ko dahil hindi ito umalis.

“No little miss… I'm just curious about this thing. Do you want me to buy it with you?” instead I said. Baka sakali kung bibilhan ko ng ganito ay maging mabait na ito sa akin.

"No thanks, Mr. Barbie.” maarte nitong sabi at may pa ikot pa ng itim na mata, iyon naman pala eh, ayaw din naman pala ng barbie…but wait, what did she said? Anong tinawag niya sa akin? Mr Barbie? Ako? Tinawag niya akong Mr. Barbie? What the hell?

Lumingon ako sa paligid at baka may nakarinig and thanks God at wala naman.

Nakapamewang ako habang nakayukong nakatingin sa bata.

"What is the name of your mother, little Miss?” gusto ko lang malaman para maturuan ng lection ang batang ito.

Tingnan mo at ginaya pa ang pamewang ko.

“Even if I tell you sir… my mommy doesn't like you."

What the…Austin kalma, bawal murahin ang bata. Tataas yata ang altapresyon ko sa batang ito. Sinong nagsabi na magugustuhan ko ang mommy niya? Di ko pa nga nakikita.

“Nevermind kid. Ito na lang, may I know who your father is?” yes, mabuti pa nga siguro kung tatanungin ko kung sino ang ama niya, lalaki sa lalaki, man vs ama, ituturo ko lang sa kanyang ama kung paano turuan ang mga bata sa tamang asal lalo na makipag-usap sa matatanda, sa tingin ko talaga, sa ama nagmana ang batang ito. Gusto ko lang bigyan ng suntok ang lalaking iyon at baka nakalimutan niyang disiplinahin ang anak niya at pinabayaan lang para maging brat ang attitude. I bend my left knee para magpantay ang mukha namin at makausap siya ng masinsinan. Baka dito ay sabihin niya na ang pangalan ng daddy niya.

“So, little lady bunny, may I know who your father is?”

“You!"

“What?"

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


reviewsMore

ROSENAV91
ROSENAV91
290 views na si Bunny esti Daddy Austin hehe, thank you readers. Mabagal lang po ang ud dahil sobrang busy pero tatapusin natin itong Serravalle.
2026-08-10 04:38:58
1
0
Ańàp>Śè
Ańàp>Śè
highly recommended
2026-08-05 17:04:01
1
1
ROSENAV91
ROSENAV91
196 reads and counting. thank you readers ...
2026-08-01 23:44:09
0
0
Ilocana
Ilocana
highly recommended story🫶
2026-07-23 09:03:22
1
1
ROSENAV91
ROSENAV91
Serravalle Brothers Series Collaboration 1. SERRAVALLE'S secret Baby (Serravalle BROTHERS Series 1) by GUEMBYOEL 2. Serravalle's Hidden Heir (Serravalle Brothers Series 2) by Yvette Stephanie 3. Serravalle's Daddy and his little Bunny ( Serravalle Brothers Series 3) by ROSENAV91
2026-07-22 11:35:07
0
0
12 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status