Selena's POV"Sigurado ka bang tutuloy tayo, Xander?" tanong ko sa kanya.Kanina ko pa kasi napapansin ang madidilim na ulap sa langit. Para sa akin, senyales iyon na lalakas ang ulan. Ang sabi kasi ni Xander, bibisitahin namin ang lugar na pagtatayuan nila ng gusali. Malayo raw iyon at masukal."Don't worry, we'll be fine," sagot nito habang inaayos ang mga dadalhin niya. "Huwag ka nang mag-worry, Ma'am Selena. Chineck ko na rin 'yong weather at ang sabi ay maganda naman ang araw ngayon. Aambon lang 'yan," si June naman ang sumagot nang mapansin niyang kanina pa ako nakasilip sa labas ng bintana.Pagkalabas namin, kaagad kong nalanghap ang kakaibang amoy ng hangin at lupa. Kinabahan ako dahil sigurado akong malakas ang ulan na darating. Pinilit kong kumbinsihin si Xander na huwag na kaming tumuloy, pero panay rin ang pagtutol nito sa mga sinasabi ko. Sa isla namin, tinuruan kami kung paano malaman kung gaano kalakas ang ulan na darating sa pamamagitan ng amoy ng hangin, lupa, at mga
Zuletzt aktualisiert : 2026-08-19 Mehr lesen