تسجيل الدخولLumaki si Selena sa Isla Portobello, isang misteryosong isla na halos walang alam sa modernong mundo. Nang tumuntong siya sa tamang edad para umalis ng isla, nagpasya siyang hanapin ang nag-iisa niyang kapatid na matagal nang nawawala sa Maynila. Pero sa unang araw pa lang niya sa lungsod, puro gulo na ang nangyari. Muntik na siyang masagasaan, nahuli pang nanghuhuli ng isda sa loob ng aquarium, at hindi sinasadyang nabangga ang pinakaayaw mapahiya na CEO sa buong bansa—si Alexander Sebastian. Dahil sa isang malaking hindi pagkakaintindihan, napilitan si Alexander na ipakilala si Selena bilang girlfriend niya. Kapalit ng pagkain, matitirhan, at tulong sa paghahanap ng kapatid nito, pumayag si Selena sa isang pekeng relasyon na unti-unting gugulo sa tahimik at kontroladong buhay ng CEO. Pero habang natututo si Selena tungkol sa modernong mundo, may mga lihim ding unti-unting lumalabas—tungkol sa Isla Portobello, sa pagkawala ng kanyang kapatid, at sa sakit na pilit itinatago ni Alexander. Hanggang saan aabot ang isang pekeng relasyon kapag unti-unti nang nagiging totoo ang nararamdaman?
عرض المزيدThird person's POV
Katulad ng kinaugalian ay nagising si Alexander ng maaga. 5 AM pa lang ay nagkakape na ito habang kaharap ang nakatambak na mga papel na kailangan nyang suriin at pirmahan. Ito halos ang nagiging routine nya sa umaga hanggang gabi. Wala ng bago, 'yon at 'yon na lang. Pagkatapos kumain ng umagahan ay tinawagan nya ang secretary nyang si June na sunduin sya dahil may pupuntahan silang importante. Pagkatapos nito ay pumunta na sya ng banyo para maligo. Nasa kalagitnaan ito nang pagbabasa sa sarili ng ilang beses syang umubo. Mabigat at may dalang butil ng mga dugo. Pinasadahan nya ng tubig ang may dugo nyang mga kamay habang seryuso ang titig nito doon. Hindi nya alam kung tatagal paba sya sa kanyang sakit o kung ilang buwan na lang ba ang bibilangin nya. Ilang minuto syang nanatili doon bago lumabas at nagbihis. Pormal ang suot nito at talaga namang bumagay sa misteryuso at malamig nyang awra. Napaharap ito bigla nang tumunog na ang busina ng sasakyan na sya ring hudyat na dumating na si June. Bumaba na ito at sumakay sa kanyang kotse. Tahimik lang ang paligid sa buong byahe. Sanay na si June na ganito ang nararanasan nya sa kanyang boss. Ni hindi sila nakaranas na magpatugtog sa loob ng sasakyan o ngumiti manlang ang kanyang amo. Ganito naman talaga palagi. Nakapikit lang si Alexander at nagmulat lang ito ng mata nang tumigil na ang kotse. Bumaba sila sa parking lot ng isa sa pinakamalaking hospital sa Manila. Kaagad silang dumeritso sa VIP room kung saan naghihintay ang Doctor ni Alexander na si Dr. Mendez. Sya ang katangi-tanging doctor na pinagkakatiwalaan ni Alexander sa lahat ng nangyayari sa katawan nya. "Your condition is getting worse," malungkot na balita ng Doctor pero wala manlang bahid na kung ano mang pangamba sa mukha ni Alexander. Nakatitig lang ito ng seryuso sa inaayos nyang manggas ng kanyang pulo. "How much time?" Seryuso nitong tanong at tumayo. Hindi kaagad nakasagot ang Doctor. "Kung hindi pa bumuti ang condition mo sa loob ng tatlong buwan ay baka wala na tayong magawa pa," ani nito at napabuntong hininga. Masakit para sa kanyang ibalita ito sa kanyang inaanak na napalapit na rin sa kanya. "I suggest you avoid getting stress. Mas bumibilis kasi--" "Stress?" Mapait itong natawa ng bahagya. "I'm the CEO of one of the biggest companies in the country. Stress is basically my last name," ani nito na nakaharap na sa malaking bintana. "Kung gano'n ay dasal na lang ang pwede nating kapitan." Umismid pa ito. "Do you think god really exist?" Natahimik ang lahat sa tanong ni Alexander. "Kung totoo man sya, seguro ay sobrang dami kong kasalanan para pahirapan nya ako. Maybe he really have favorites after all," sabi nito at nauna nang lumabas ng pintuan. Pagkatapos no'n ay dumeritso na sila sa Companya. Katulad ng inaasahan ng lahat ay parang pinagsakluban ng langit at lupa ang ekspresyon ng mukha ni Alexander kaya gano'n na lang ang takot ng mga employee kapag dadaan ito sa harapan nila. Malapit na sila sa opisina nang mapahinto ito dahil sa may narinig sya. Lumapit sya sa dalawang babaeng nagkwekwentohan. Nasa likod sya nila kaya hindi kaagad sya napansin ng mga ito. "Totoo ba?" Intrigang tanong ng matabang babae habang may sinusulat ito sa kanyang laptop. "Oo. Ang balita ay may taning na raw ang buhay ni Boss. Kaya nga minsan hindi na sya pumapasok hindi ba? Malala raw ang sakit nito." "Hala kawawa naman si Mr. Sebastian." "Oo nga eh. Madami pa namang gustong pabagsakin sya seguro ay masaya ang mga iyon kapag nalaman nila ang balita." Seryuso lamang na nakikinig si Alexander sa pinag-uusapan ng dalawang babae. Habang sa kabilang banda ay halos manlamig si June dahil halatang nagagalit na si Alexander sa mga naririnig. Ginagawa nya ang lahat para mapansin sya ng dalawang babae pero patuloy parin sila sa pagchichismisan. "June." Biglang tawag ni Alexander sa kanyang secretary. Naging dahilan ito upang gulat na lumingon ang dalawang babae. Gulat na gulat sila nang makita ang kanilang boss na kanina pa nakikinig sa kanilang pinag-uusapan. "Yes, Mr. Sebastian?" Nanginginig na tanong ni June. "I want this two fired immediately. And also 'wag mong ibigay ang mga sahud nila buong buwan," malamig nitong utos. "No, Mr. Sebastian. Sorry! Nagmamakaawa kami huwag nyo kaming tanggalin kami na lang ang inaasahan ng pamilya namin." "Maawa na po kayo, Sir." Halos lumuhod ang dalawa sa harapan ni Alexander pero ni hindi manlang ito nagpakita ng awa. Iniwan nya doon ang dalawang babaeng iyak nang iyak habang kinakausap ni June. Pumasok ito sa kanyang office sakto lamang nang dumating ang PR manager na si Sandro. May dala-dala itong ipad at inilapag nya ito sa harapan ni Alexander. "Have you seen the news?" Tanong nya. "What news?" Kibit balikat na tanong ni Alexander habang titig na titig sa laptop nito. "Headline: Is the young CEO seriously ill? This news! Totoo ba 'to Xander?" Medyo naaalarmang tanong nito. Sa lahat ng nagtratrabaho sa kompanya ay isa si Sandro sa mga taong hindi natatakot kay Alexander. Matalik silang magkaibigan mula noong mga bata pa lamang sila kaya ganito na lamang sya kung makipag-usap sa CEO ng kompanya. "Do you really believe that? Mas marami akong kailangang asikasuhin kesa dyan." Inis na napakamot ng ulo si Sandro. Maliban kay Dr. Mendez at sa secretary nito ay wala ng iba pang nakakaalam sa malubha nyang sakit. Maski ang mga magulang nito ay walang alam. "Alam ko namang wala kang pake-alam pero naapektuhan ang kompanya. The stocks begin to drop. Nagpa-panic na ang mga investors natin. Kung wala kang gagawin ay mas lalong magiging problema ito." Napahinga na lang nang malalim si Alexander bago lumingon kay Sandro. "What do you want me to do? Address the issue? You know it will make things bigger--" "You need to appear in public," Putol nito kay Alexander. "And what do you mean by that?" Kinuha ni Sandro ang ipad at may hinanap sya roon. Pagkatapos ay ipinakita nya ito kay Alexander. "There's a grand opening of a Marine Park this week. I want you to attend this event. Para isipin ng mga tao na ok ka dahil nakikita ka nila. We need a lot of public exposure. We need to convince the people that you are ok at wala kang sakit. So please do what i said." Hindi kaagad sumagot si Alexander sa sinabi ni Sandro. "Xander naman--" "Fine. Pupunta ako." Ayaw na ayaw nya sa matataong lugar pero alam nyang ito ang makakabuti para sa kompanya. As much as possible ay kailangan nyang umarteng ok ang lahat. Na walang taning ang buhay nya, na wala syang sakit.Selena's POV"Miss? Gising na!"Nagising ako bigla nang may sumigaw sa pintuan. Bumukas iyon at pumasok ang babaeng kaagad akong nilapitan."Miss, anong nangyari sa'yo?" Mabilis nya akong tinulungan na makatayo. "Bakit dito ka sa sahig natulog?" Alalang tanong nya sa akin. Napakamot naman ako sa ulo."Hindi kasi ako sanay matulog sa malambot na kama pakiramdam ko nalulunod ako," sabi ko. Kagabi ay sa malamig na sahig lang talaga ako natulog at kumuha lang ng isang unan. Mas gusto at komportable ako doon kesa mahiga sa sobrang lambot na kama na paghiga ko pa lang ay lumulubog na ako.Hindi ako makahinga.Kumunot naman ang noo ng babae pero hindi na lang pinansin ang sinabi ko. Inayos nya ang kama at binalik ang unan doon tsaka ako itinulak nang mahina papunta sa panibagong pintuan."Miss, kailangan mo ng maligo dahil kanina ka pa pinabababa ni Mr. Sebastian." Binuksan nya ang pintuan at tumambad sa akin ang banyo. May gano'n sa amin pero hindi kasing laki no'n."Sige na, Miss. Mapapaga
Selena's POVHindi na ako nakapalag nang kaladkarin nya ako paalis. Huminto kami at gano'n na lang ang pagkamangha ko ng makita ang malaking hayop na kulay asul. Iba ang hitsura nito at medyo may kaliitan. Kalahati lang rin ang katawan nito."Ang galing!" Mabilis kong nilapitan iyon at hinawakan. Ang kinis!"Sakay!" Sabi nito. Napatingin lang ako sa kanya. "Saan ako sasakay?" tanong ko.Kumunot na naman ang noo nito. Binuksan nya ang katawan ng hayop at doon ko nakitang may upuan pala sa loob. Ang galing! Walang ganito sa amin."Sakay!"Nagulat ako sa sigaw nya kaya mabilis akong sumakay at umupo."Patay na ba 'to?" tanong ko. "What?" Inis nyang tanong at bigla na lamang umandar ang hayop na sinasakyan namin."Dahan-dahan naman! Nahihilo ako!" Sigaw ko. "What are you talking about? Ito na ang pinakamahinang takbo ko," sabi nya.Nahihilo talaga ako. Parang umiikot ang mundo ko. Bigla akong napatakip sa bibig ko dahil nasusuka na ako. Nakita iyon ni Alexander kaya naaalarma sya."Hey! H
Selena's POVParang nahihilo ako sa laki ng mga bahay dito sa Manila. Ngayon ko lang nakita ang mga ito at halos malula ako sa taas. Ilang tao kaya ang nakatira dito? Bakit kaya sila nakatira dyan embes na sa normal na bahay lang? Madami ba silang pera? Ilang ginto kaya ang kailangan para tumira dyan?Nagugutom na ako. Kahapon pa ang huling kain ko ng isda at muntikan pang mawala sa akin. Mas lalo tuloy akong nainis ng maalala ang lalakeng dumukot ng bracelet na bigay ni Ate Seve.Gagawin ko ang lahat para maibalik iyon. Malaki itong Manila pero hahanapin ko ang lalakeng iyon. Pero ngayon mas uunahin ko muna ang tyan kong kanina pa nagrereklamo.Alam kong naliligaw na ako at hindi ko na alam ang gagawin. Hindi ko alam kung saan ako tirira o kakain manlang. Sinubukan kong manghuli ulit ng isda pero pinagalitan ako ng mga mamang nakaitim na may dalang kahoy."Umalis ka nga dito! Hindi pagkain 'yang mga gold fish!" Ito 'yong sinabi nila sa akin. Natulog naman ako sa sementadong upuan per
Nakangiti ang mga labi ni Selena nang sa wakas ay makaapak na sya sa Manila. Dala-dala ang maliit na bag na may kakaunting gamit at ginto ay naglakad na sya papalabas ng barko. Halos malaglag ang panga nito sa mga matataas na gusali na ngayon nya lang nakita."Ang laking bahay," komento nito habang namamangha.Galing si Selena sa Isla Portobello. Islang tago sa civilisasyon kaya naman gano'n na lamang ang kanyang pagkamangha at pagtataka sa lahat nang makikita nya sa paligid. Wala ang mga iyon sa Isla nila.Mayroon silang katangi-tanging batas sa Isla Portobello at iyon ay kapag tumungtong ka ng ika-walumpo't taong gulang ay nasa sa iyo na ang desisyon kung aalis ka na ba ng Isla o mananatili na habang buhay. Para naman kay Selene ay mas pinili nyang umalis para hanapin ang nakakatanda nitong kapatid na si Seve na sampung taon ng umalis ng Isla. Ito na lamang ang pamilyang natitira sa kanya kaya kahit ang pumasok sa mundong ngayon nya lang mararanasan ay gagawin nya mahanap lamang ang








![The Wild Virgin [SPG]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)









Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.