"Alisin mo ang maruming kamay mo sa kanya bago ko bilhin ang buong kumpanya mo at tanggalin ka sa posisyon mo ngayon din," malamig, galit, at nagwawalang boses kong banta habang mabilis kong hinawakan ang pulso ng lalaking investor na nakahawak sa braso ni Tanya.Nasa gitna kami ng crowded na ballroom, pero sa segundong 'yun, parang huminto ang ikot ng mundo ko. Si Mr. Monteverde, ang isa sa pinakamalaking shareholders sa merger project, ay nakatayo sa harap ni Tanya habang nakangiti nang nakakairita. Hawak niya ang baso ng wine at kanina pa ipinagmamayabang ang pera at kapangyarihan niya sa harap ng babaeng nagpapatibok ng puso ko."Franco, ano ka ba? Chill ka lang, nag-uusap lang kami ng kasama mo," maang-maangan ni Monteverde habang binabawi ang kamay niya mula sa mahigpit kong pagkakahawak."Hindi ka lang pakikipag-usap ang ginagawa mo. Nakikita ko ang mga mata mo, Monteverde. At sinisigurado ko sa 'yo, hindi mo magugustuhan kapag nawalan ako ng kontrol," ganti ko habang inilalaga
Last Updated : 2026-10-19 Read more