Habang tahimik silang nakaupo sa mahabang hapag-kainan ng Del Rosario Residence, halos hindi makagalaw si Crystal sa sobrang kaba. Sa harap niya ay sunod-sunod na mamahaling putahe. May steak, seafood, iba't ibang pasta, sari-saring dessert, at mga pagkaing ngayon lang niya nakita nang personal sa buong buhay niya. Hindi niya maiwasang mapatitig sa mga iyon. Grabeeee... ganito ba talaga karami ang masasarap na pagkain kapag mayayaman ang kumakain? Lihim siyang napalunok. Hindi ako makapaniwala... sa halaga pa lang ng mga pagkaing nasa harapan ko, baka umabot na iyon ng isang linggong pagkain namin ni Inay. Pilit niyang pinigilan ang sariling mapangiti. Crystal, behave ka. Huwag kang magmukhang ngayon lang nakakita ng buffet. Dahan-dahan niyang kinuha ang kutsara. Akmang susubo pa lamang sana siya nang marinig ang magiliw na boses ng ina ni Bash. "So... we finally meet, Miss Celine Versailles." Napapitlag si Crystal. Muntik pang mahulog ang kutsara sa kanyang kamay. Pilit
Last Updated : 2026-07-21 Read more