“Inay… bakit hindi n'yo po sinabi sa akin na hindi pa pala kayo nakakabayad ng renta?” malungkot na tanong ni Crystal. “Kapag sinabi ko ba sa'yo, may magagawa ka?” taas-kilay na sagot ng kanyang ina. “Eh natanggal ka nga sa trabaho mo, unang araw mo pa lang! At teka… nasaan na ang bayad ng Del Rosario? Hindi mo pa iniaabot sa akin!” Napakamot na lamang si Crystal sa batok habang pilit na ngumingiti. “Naku, ikaw talagang bata ka!” dagdag pa ng kanyang ina habang pinandidilatan siya. Ngunit sa halip na sumagot, bigla na lamang niyakap ni Crystal ang kanyang ina nang mahigpit at tuluyan nang humagulgol. “Inay… sorry po talaga…” hikbi niya. “Promise po, kikita na ako ng pera simula mamayang gabi.” Napaatras ang kanyang ina at agad siyang kinurot sa braso. “Loko-loko ka! Huwag na huwag kang papasok sa kung anu-anong trabaho, ha! Aba, pinag-aral kita hanggang makatapos ka ng kolehiyo, tapos sasabihin mong magkakapera ka mamayang gabi? Sino'ng niloloko mo?” Napangiwi si Crystal haban
Last Updated : 2026-07-19 Read more