Mabilis na pumasok sa loob si Manang para kunin ang bayad, kaya naiwan silang dalawa ni Alfred sa pintuan. Ang ilang segundong iyon ay tila naging mabagal ang oras para kay Crystal."L-lumayo ka sa akin," pabulong ngunit mariing banta ni Crystal. Kahit nanginginig ang kaniyang boses sa matinding kaba at takot, pinilit niyang panatilihing matatag ang kaniyang mga mata.Dahan-dahang humakbang pabalik si Crystal habang mahigpit na nakakuyom ang kaniyang dalawang kamay. Lalaban na ako,habang buhay pa ako, hindi na ako matatakot sa lalaking ito kapag gumawa ulit ito ng hindi maganda sa akin, bulong ng isip niya, pero sa ngayon, ang tanging gustong gawin ng katawan ko ay ang tumakbo at magtago.Lalong lumapad ang nakakairitang ngisi ni Alfred sa mga sandaling iyon.Isang hakbang pa ang itinulak nito pabalik sa kaniya, walang katiting na pagsisisi sa ginawa nito noong nakaraan taon. "Bakit ka natatakot? Hindi ba't ikaw 'tong pumasok sa teritoryo ko? Akala mo ba makakatakbo ka pa rin nang
Last Updated : 2026-07-25 Read more