“Hindi ako—” mabilis sanang katwiran ni Celine, ngunit agad iyong pinutol ni Bash.“Celine, please... mabilis lang ito.”“No!” giit ni Celine, nanlilisik ang mga mata. “Baka mamaya, tungkol na naman sa babaeng 'yon ang pag-uusapan niyo ng mga pinsan mo!”“Uhmm… this is a Del Rosario meeting, Celine. Wala kang kinalaman dito,” malamig ngunit may diing singit ni Diego.Bago pa makatutol muli si Celine, humakbang na si Bash at tinitigan ito nang diretso sa mga mata.“Celine… ayaw ko nang magsalita pa sa pangatlong pagkakataon. Baka magbago ang isip ko at hindi ko na ituloy ang kasal natin.”Napatigil si Celine, natigilan sa banta ni Bash. “Kainis!” asik niya bago padabog na tumalikod at galit na lumabas ng silid.Napangiti nang bahagya ang tatlo sa naging reaksyon ng dalaga. Pagkalabas na pagkalabas ni Celine, agad na bumalik sa kanyang kinauupuan si Bash bago muling nagsalita.“Anong kailangan niyo?” tanong niya.“Bro… hindi na kami magpapaligoy-ligoy pa,” simula ni Dante. “Alam nama
Last Updated : 2026-07-30 Read more