Matapos ang halos dalawang oras na pakikipagpulong sa wedding planner tungkol sa tema, dekorasyon, programa, at iba pang mahahalagang detalye ng nalalapit na kasal, nagtungo naman sina Mrs. Del Rosario at Celine sa pinakasikat na bridal boutique sa lungsod. Pagpasok pa lamang nila ay agad silang sinalubong ng bridal consultant. "Welcome po, Mrs. Del Rosario. Handa na po ang mga wedding gown na pinili namin para kay Miss Celine. Maaari na po siyang mag-fitting anumang oras." Ngumiti si Mrs. Del Rosario at tumango. "Subukan mo ito, Celine. Napakaganda ng wedding gown na ito. Sigurado akong babagay sa'yo," saad niya habang inaabot ang isa sa pinakamagarang gown. Bahagyang napaatras si Celine at nagkunwaring nag-aalangan. "Pero... Mom," mahina niyang sabi, "naniniwala po kasi ako sa kasabihan na malas kapag isinuot ang wedding gown bago ang mismong araw ng kasal. Baka may mangyaring hindi maganda." Sandaling natahimik ang bridal consultant, saka ngumiti nang magalang. Marami
Last Updated : 2026-08-04 Read more