"Si Mama, dumating na," saad ni Celine mula sa malayo nang makita niyang kakapasok pa lamang ng mansion si Madam Rosefina.Agad siyang tumayo mula sa pagkakaupo."Mom, Dad, may pupuntahan lang ako sandali. Babalik din ako agad," paalam niya habang inaayos ang kanyang gamit."Saan ka naman pupunta, anak?" tanong ng kanyang ina. "Baka hanapin ka ni Bash.""Don't worry, Mom," mabilis niyang sagot. "Kapag hinanap ako, sabihin n'yo na bumili ako ng surprise gift para sa kanya."Bahagyang ngumiti ang kanyang ina."Okay... iha."Ngumiti rin si Celine bago palihim na sinundan ng tingin si Madam Rosefina.Habang pinagmamasdan niya itong naglalakad patungo sa loob ng mansion, agad siyang gumawa ng paraan upang hindi mahalata ang tunay niyang pakay.Lihim siyang pumasok sa loob at kunwari'y kinuha ang kanyang bag. Ngunit sa halip na lumabas agad, tahimik niyang sinundan si Madam Rosefina.Ayaw niyang palampasin ang pagkakataong malaman kung ano ang pag-uusapan ng mag-ina.Maya-maya, napahinto si
Last Updated : 2026-08-09 Read more