ANMELDEN"Mrs. Rosefina Del Rosario?" Gulat na bigkas ni Ginang Versailles. Halos hindi siya makapaniwala sa babaeng nakatayo sa bungad ng kanilang maliit na laundry shop. Napatingin naman si Crystal sa kanyang ina, halatang naguguluhan. "K-kilala n'yo po siya, Inay?" Hindi agad nakasagot si Ginang Versailles. Nanatili lamang itong nakatitig kay Rosefina, habang unti-unting bumabalik sa kanyang alaala ang mga pangyayaring matagal na niyang pilit kinalimutan. Bahagyang tinaas ni Rosefina ang kanyang kilay. "Well..." malamig niyang saad. "Ganyan ba kayo tumatanggap ng bisita?" Saglit niyang tiningnan ang paligid. "Hindi n'yo man lang ba ako papapasukin sa maliit n'yong tirahan?" Walang makapagsalita. Bahagyang ngumiti si Rosefina, ngunit walang init sa kanyang ngiti. "Matagal na panahon na rin, Emelda Versailles." Huminto siya sandali bago idinugtong, "At talagang pinagtagpo ulit tayo ng kapalaran." Napayuko nang bahagya si Ginang Versailles. Dating magkaibigan sina Rosefina at Em
"Sir..."Maingat na tawag ni Drake habang nakatayo sa harap ng kanyang boss. Bahagya siyang nag-atubili, tila hindi alam kung paano sisimulan ang nais niyang sabihin.Agad siyang tiningnan ni Sebastian."Alam na ba ni Crystal ang tungkol sa pagbabago ng kasal?"Napatigil si Drake.Sandali siyang napayuko at hindi agad nakasagot."Sasabihin ko ba sa kanya ang totoo? O magsisinungaling ako sa amo ko?" tanong ng kanyang isip.Paulit-ulit na bumabalik sa kanyang alaala ang nakita niya kanina—si Crystal, kasama ang isang lalaki, at ang paraan ng pag-akbay nito sa kanya.Kung sasabihin niya kay Sebastian ang kanyang nakita, tiyak na magtatanong ito.Ngunit kung magsisinungaling naman siya, alam niyang hindi rin iyon madaling itago sa kanyang boss."Bakit hindi ka makasagot?" tanong ni Sebastian.Bahagyang kumunot ang noo nito. Ramdam niyang mayroong hindi sinasabi si Drake."Anong problema?"Agad na napatingin si Drake sa kanya."W-wala naman, Sir..." sagot niya, bahagyang nauutal. "Nasabi
"Magpapalit lang ako," kalmadong saad ni Domingo.Marahan niyang inalis ang tuwalyang nakapatong sa kanyang balikat at tumalikod na tila papasok sa kanyang silid.Ngunit bago pa man siya tuluyang makaalis, muli siyang huminto at lumingon kay Crystal. Isang makahulugang ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi."Oopss..." ani Domingo. "May tiwala naman ako sa'yo, Crystal."Lumapit siya sa center table at kinuha ang isang makapal na brown envelope."Kaya ibibigay ko na sa'yo ang kontrata namin ng ama mo."Iniabot niya ang envelope kay Crystal na agad naman itong tinanggap. Mahigpit niya itong niyakap sa kanyang dibdib, na para bang iyon na lamang ang natitirang pag-asa nilang mag-ina."Pwede na kayong umalis," dugtong ni Domingo. "Ah, by the way... hintayin n'yo na lang pala ako. Ipapa-encash ko lang ang tsekeng ito."Umiling si Crystal at agad na umatras ng isang hakbang."Hindi... uuwi na kami. Wala na tayong dapat pang pag-usapan."Pagkatapos ay lumingon siya sa kanyang ina."Tara na, I
“You're here! My dearest Crystal… Narito ka ba para ibigay na nang tuluyan ang sarili mo sa akin? Tanggap mo na ba na wala ka talagang pambayad sa utang ng ama mo?!” mapang-asar at puno ng pagnanasang wika ni Domingo habang unti-unti siyang lumalapit kay Crystal. Isang nakakangising ngiti ang namutawi sa kanyang labi. Nang tuluyan na siyang makalapit, dumaan siya sa likuran ni Crystal at bahagyang yumuko upang ibulong sa kanyang tainga. “Dapat hindi mo na isinama ang inay mo…” halos pabulong niyang sabi, tila sinasadya pang iparamdam ang kanyang kapangyarihan. Mariing napapikit si Crystal sa matinding pagkainis. Ramdam niya ang pag-init ng kanyang dugo. Nanginginig ang kanyang mga kamao, ngunit hindi dahil sa takot—kundi sa galit. Sa isang iglap, mabilis niyang itinaas ang kanyang paa at buong lakas na tinadyakan si Domingo sa bandang gitna ng hita. “ARAYYYY!” halos mapasigaw si Domingo habang napapaatras ng ilang hakbang. Agad niyang napahawak ang dalawang kamay sa tinamaan niya
"Kung ganoon, tapos na ang usapang ito."Kalmado ngunit may awtoridad na saad ni Sebastian. Tumayo siya mula sa kinauupuan at magalang na tumingin sa kanyang mga magulang, saka sa pamilya Baltazar."Kung wala na pong iba, mauuna na ako."Bahagya siyang yumuko bilang paggalang."Pupunta muna ako sa silid ko. Pagod na rin po ako at marami akong inasikaso ngayong araw. I need some rest, Mom."Tumango lamang si Mrs. Del Rosario."Sige, anak."Eksakto namang tatalikod na si Sebastian nang biglang umalingawngaw ang tunog ng cellphone ni Mrs. Del Rosario.Kring... Kring... Kring...Napatingin siya sa screen at bahagyang naningkit ang kanyang mga mata nang mabasa ang pangalan ng tumatawag.Incoming Call: Vience"Uhmm... excuse me." Tumayo siya mula sa sofa habang bahagyang ngumiti sa mga bisita. "Sasagutin ko lang ang tawag."Walang sinuman ang tumutol kaya dahan-dahan siyang lumayo sa sala upang magkaroon ng pribadong pag-uusap.Samantala, si Sebastian na noo'y paakyat na sa ikalawang palapa
Samantala, ilang minuto lamang ang lumipas ay nakarating na si Sebastian sa kanilang mansion. Pagpasok pa lamang niya sa malawak na sala, agad niyang napansin ang mabigat na katahimikan sa paligid. Nasa gitna ng sala ang kanyang ina, si Mrs. Del Rosario, nakaupo nang elegante habang kaharap ang buong pamilya Baltazar. Katabi nito si Celine na halatang nahihiyang ngumiti, samantalang ang mga magulang nito ay tila kuntentong-kuntento sa nalalapit na kasunduan. Hindi man lang nagbago ang ekspresyon ni Sebastian. Diretso siyang naglakad palapit sa kanila. Pagdating sa harapan ng kanyang ina, bahagya siyang yumuko bilang paggalang. "Magandang hapon po." Ngunit sa halip na pagbati ang isagot, mariing bumagsak ang boses ng kanyang ina. "Bakit ngayon ka lang dumating?" malamig nitong tanong. "Tapos nang mamili ng wedding gown ang fiancée mo! Kailan ka pa naging ganyang kairesponsable, Sebastian?" Unti-unting tumalim ang tingin nito sa anak. "You're not a kid anymore. Twenty-eight year







