"Promise me something." mahinang saad nito habang inaabot ang kamay ko.Natigilan ako ngunit hinayaan ko syang hawakan ako. Mahina ang pwersa ng hawak nya pero sapat para maramdaman ko ang panginginig ng mga daliri nya."Huwag kang aalis sa mansion." pakiusap nito habang nakatitig sa akin. "Kapag nandito ka, masaya ako."Tuluyan akong natahimik at mabilis na napakagat sa labi. Sa alaala nya, nandito pa rin ako. Wala pang nangyayaring masama. Wala pang pagkawala."Madame..." mahinang saad ko habang hindi alam ang isasagot.Ngunit mas hinigpitan nya ang hawak sa kamay ko at bahagyang ngumiti. "Promise."Huminga ako nang malalim bago marahang hinaplos ang kamay nya. "Magpapahinga muna po kayo. Pag gising nyo, nandito pa rin ako."Bahagyang gumaan ang ekspresyon nito at tila nakuntento sa sagot ko. Ilang minuto lang ang lumipas ay muli itong nakatulog habang hawak pa rin ang kamay ko.Tahimik kaming lumabas ni Logan ng silid at nang tuluyan nang sumara ang pinto ay agad akong napabuntong-
Last Updated : 2026-07-18 Read more