Napakurap ako at kusang napahigpit ang hawak ko sa kumot ni Madame Giselle. Hindi ko alam kung bakit, pero may kakaibang pakiramdam agad na bumalot sa dibdib ko nang marinig ang pangalan ni Alessia."Alessia?" ulit ni Madame Giselle habang kumukunot ang noo. "Yung anak ni Celeste?""Opo, Ma'am." sagot ng kasambahay. "Naghihintay po sya sa receiving room."Bahagyang tumango si Madame Giselle at napangiti. "Mabuting bata iyon. Bakit hindi mo pa pinapapasok?"Tahimik lang si Logan habang nakapamulsa. Pagkatapos ng ilang segundo ay dahan-dahan itong tumingin sa kasambahay."I'll be there."Tumango ang kasambahay at agad na lumabas ng silid.Pagkasara ng pinto ay muling bumalik ang katahimikan sa kwarto. Ngunit hindi iyon nagtagal dahil agad na nagsalita si Madame Giselle habang nakatingin kay Logan."Naku, huwag mong paghintayin ang bisita mo."Bahagyang napabuntong-hininga si Logan. "Mom, kailangan mong magpahinga.""Ako na ang bahala sa sarili ko." sagot agad nito bago bumaling sa akin.
Last Updated : 2026-07-20 Read more