NAKAHINGA ng maluwag si Anastacia nang makalabas siya ng opisina ng amo niya. Sobra ang kaba niya habang kausap si Mr. Monteverde. "Muntik-muntikan na," usal niya at napahawak sa kanyang dibdib. Para siyang hiningal at parang nauuhaw. Bago pumunta sa kanyang desk ay dumaan muna siya sa pantry. Kukuha siya ng tubig at kung may biscuits ay ibibigay niya iyon sa triplets. "Kuya, gutom na 'ko," sabi ni Arianna na hawak pa ang tiyan. "Mamaya na, Arianna. Hintayin natin si Mommy..." tugon ni Aiden. "Nagugutom na nga ako, e." Maktol ni Arianna habang nanghahaba ang nguso nito. "Tumigil ka nga sa pag-iinarte," sabi ni Ethaniel. Napalingon si Arianna sa kambal niyang kapatid. "Hindi ako nag-iinarte. Gutom talaga ako." "Eh, di kainin mo 'yong laman ng bag mo." "Wala na akong pagkain. Ubos na lahat." Napabuntong-hininga si Aiden. Alam niyang hindi na talaga matitiis ng kapatid ang gutom. "Sandali lang. Babalik si Mommy." "Kuya, baka naman matagal pa si Mommy. Wala pa nga siya, e," s
Last Updated : 2026-09-05 Read more