"YOU'RE getting married, Ethan! That's good news," masayang sabi ni Luca. Hinawakan niya sa balikat ang kaibigan. Hindi sila makapaniwala ni Damien na ganoon kabilis ito magpo-propose ng kasal kay Anastacia. "At wala pa silang isang araw ni Anastacia na in a relationship, ha. Nakaka-amaze ka, pare. Masyadon mong ginalingan," nangangantiyaw na sabi naman ni Damien. Hindi naitago ni Ethan ang ngiti sa kanyang mukha. "Of course. I need to take action very fast. Anastacia is only mine. At hindi ko papayagan na mawala siya ulit sa buhay ko. Pati na ang mga anak ko." Napatango-tango sina Luca at Damien. "Ah, kaya pala inaya mo agad magpakasal si Anastacia. Inangkin mo na ang nanay ng mga anak mo," tudyo pa ni Damien. "Pero, pare, seryoso ka ba talaga sa pagpapakasal? I mean, kakasagot pa lang sa iyo ni Anastacia kagabi, tapos ngayon kasal na agad ang nasa isip mo?" tanong ni Luca. "Of course, I'm serious," sagot ni Ethan. "I don't want to waste any more time. Limang taon na na wala
Last Updated : 2026-10-21 Read more