LOGINIsang gabi, nagbago ang buhay ng beinte anyos na si Anastacia Castellano. Ang lalaking akala niyang magmamahal sa kanya habang-buhay ang siya ring dumurog sa kanyang puso matapos niya itong mahuli nang paulit-ulit na may ibang babae. Dahil sa matinding pagkabigo, nauwi siya sa isang gabing hindi niya inaasahan kasama ang isang estranghero. Pinili niyang kalimutan ang lahat at magpatuloy sa buhay. Ngunit makalipas ang isang buwan, natuklasan niyang buntis siya. Sa takot at upang protektahan ang kanyang mga anak, itinago niya ang kanyang triplets at pinalaki ang mga ito nang mag-isa sa loob ng limang taon. Ngunit paano kung ang estrangherong lalaking nakasama niya noon ay ang kanyang guwapo, mayaman, at makapangyarihang boss? Paano kung sa pagtatago niya ng lihim tungkol sa pagkatao ng mga anak ay sila rin pala ang magiging susi upang matuklasan kung sino ang kanilang ama? Pagtatagpuin kaya ng tadhana ang triplets at ang supladong tycoon?
View More"BODY shots! Body shots!" malalakas na sigaw ng mga naglalaro ng truth or dare sa loob ng bar.
Maingay, madilim at mausok dahil sa mga sigarilyo ang makikita mo sa loob ng bar. Halos mapuno na rin ang mga lamesa ng mga tao. Grupo-grupo ang mga nasa bar. Mayroong nasa dance floor at mga naglalaro ng truth and dare. Sa isang sulok naman ay ang grupo nina Anastacia at mga kaibigan niya. Walang pakialam si Anastacia na panay ang tungga ng alak habang matalim na nakatingin sa isang pares na naghahalikan hindi kalayuan sa kanyang table. "Anastacia, stop..." saway ni Camille sa kanya. Sinundan nito ng tingin ang kanyang tinitingnan kanina. Nanlaki ang mga mata ni Camille. "Oh my! Is that true?" "Bakit anong nangyari? Alin ang totoo?" Usisa naman ni Sophia. "Tingnan mo doon, sa pinakadulo nitong mesa natin..." turong sabi ni Camille. "Who?" "It's Zach... may kahalikan na ibang babae." Sagot ulit ni Camille. Biglang napatingin sila kay Anastacia. Kahit madilim sa bar, alam nilang umiiyak na ang kanilang kaibigan. Nilapitan nina Camille at Sophia si Anastacia. Inakbayan nila pareho ito. "Hayaan mo na si Zach. Alam mo namang kilalang playboy 'yon. May magbabago pa ba sa lalaking 'yon," sabi ni Sophia na pinapagaan ang loob ng kaibigan. Pinunasan ni Anastacia ang mga luha sa kanyang mata. Saka muling kinuha ang baso na may lamang alak at ininom ang laman. Straight at walang itinira hanggang sa kahuli-hulihang patak. Malakas na ibinagsak niya iyon sa lamesa na ikinagulat nina Camille at Sophia. "Kaya ko rin ang ginagawa niya." She loves Zach more than her own life. But there's one thing she can't give him—her virginity. Kaya pakiramdam ni Anastacia, kaya ito nakikipaglaro sa iba't ibang babae ay para pilitin siyang magdesisyon na ibigay na rin dito ang kanyang virginity. But Anastacia made an oath to keep her virginity until marriage. Kung makakapaghintay si Zach hanggang sa araw ng kasal nila, saka lang niya ito hahayaang makuha ang kanyang katawan at buong puso. Narinig nina Camille at Sophia ang bahagyang panginginig ng boses ni Anastacia. Alam nilang hindi iyon simpleng galit. Nasasaktan na ang kaibigan nila. "Ana, huwag kang padalos-dalos," pigil agad ni Camille. Padalos-dalos? She's so calm. Kung hindi baka kanina pa niya nangudngod ang mukha ng babaeng kahalikan ng boyfriend niya. But she will stoop her low. Alam niya ang worth niya bilang babae. Biglang tumayo si Anastacia. Bahagya pa siyang muntik matumba dahil sa dami ng nainom ngunit agad ding nakabawi. "Bakit? Siya lang ba ang puwedeng magsaya?" mapait niyang tanong. Hindi na niya hinabol ng tingin si Zach. Sa halip ay nilibot niya ang buong bar hanggang sa may mahagip ang kanyang mga mata. Isang lalaki ang nakaupo mag-isa sa bar counter. Tahimik itong umiinom at walang pakialam sa ingay ng paligid. Nakasuot ito ng itim na polo na bahagyang nakatiklop ang manggas. Nakayuko lamang ito habang iniikot ang baso ng whiskey sa kamay. Huminga nang malalim si Anastacia. "Perfect." "Anastacia!" sabay na tawag nina Camille at Sophia na naglakad palayo. Ngunit hindi na siya lumingon. Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa isang lalaking estranghero napukaw ang kanyang pansin. Nang maramdaman ng lalaki ang paglapit niya, marahan itong nag-angat ng tingin. Nagtagpo ang kanilang mga mata. "Wala bang may-ari ng upuang 'to?" tanong ni Anastacia habang itinuturo ang bakanteng stool sa tabi nito. Saglit siyang sinukat ng lalaki ng tingin bago bahagyang umiling. "Wala." Hindi na nag-atubili si Anastacia at umupo sa tabi nito. "Can I borrow you for a few minutes?" direkta niyang tanong. Bahagyang tumaas ang kilay ng lalaki. "For what?" Ngumiti si Anastacia, ngunit halatang pilit lamang iyon. "Gusto ko lang makita ng boyfriend ko na hindi lang siya ang kayang humanap ng kasama ngayong gabi. I mean, ex-boyfriend."INAAYUSAN si Anastacia. Tapos na ring ayusan si Arianna at tahimik na nakaupo. Ngayong gabi ang MGV Gala Night. At buong pamilya sila na pupunta sa event.Napasilip si Victoria sa pinto ng kuwarto ng kaniyang anak. Napangiti siya nang makita niya si Anastacia."You’re already a beautiful, grown-up woman now. I’m so proud of you, anak," sabi niya habang naiiyak.Napangiti si Anastacia sa kaniyang ina habang inaayos ng make-up artist ang huling detalye sa kaniyang mukha."Mom, don't cry. Baka pati ako maiyak. Hindi pa po ako ikakasal, a-attend lang po tayo ng event," natatawang sabi niya.Lumapit si Victoria sa kaniyang anak at hinaplos ang pisngi nito. "I can't help it, anak. Parang kailan lang, maliit ka pa at palaging nakasunod sa akin. Ngayon, isa ka nang ganap na babae na may sarili nang pamilya."Napatingin si Anastacia sa kaniyang ina sa salamin. Hindi niya napigilang ngumiti nang maalala ang mga pinagdaanan niya bago niya muling natagpuan ang kaligayahan sa piling ni Ethan at ng
EXCITED na si Veronica sa mangyayari sa gabi ng event ng MGV. 'We should call Evelyn. Dapat andoon din siya sa MGV Gala Night. I want us to be complete, our family," sabi ni Veronica kay Lorenzo. Napangiti si Lorenzo habang nakatingin sa kanyang asawa. Kitang-kita niya kung gaano ito kasabik sa gaganaping MGV Gala Night. Alam niyang espesyal ang gabing iyon para sa kanilang pamilya, lalo na dahil naroon si Ethan kasama si Anastacia at ang kanilang mga anak. "Of course, honey. I'm sure Evelyn would love to be there, too," sagot niya. Agad namang kinuha ni Veronica ang kanyang cellphone at hinanap ang pangalan ng anak. Nang makita niya iyon ay kaagad niya itong tinawagan. Ilang ring lamang ay sinagot na rin ni Evelyn ang tawag. "Mom, what's up?" bungad nito. "Hi, sweetheart! Are you busy right now?" "Not really, Mom. Why?" "May gusto lang akong sabihin sa iyo. The MGV Gala Night is coming, and I want you to be there with us." "Of course, Mom! Hindi ko naman palalampasin ang ev
SINAMAHAN nina Luca at Damien si Ethan na magpagawa ng engagement ring para kay Anastacia. Nakapag-proposed na siya sa dalaga, pero gusto niyang ibigay ang pinaka-enggrandeng wedding proposal na nararapat sa kanya. "Pare, sigurado ka bang kailangan mo pang magpagawa ng engagement ring?" tanong ni Luca habang nakaupo sila sa loob ng jewelry store. "Nag-propose ka na kay Anastacia. Tinanggap ka na niya. Hindi ba sapat na iyon?" dagdag naman ni Damien. Napatingin sa kanila si Ethan habang sinusuri ang mga disenyo ng singsing na ipinakita ng jeweler. "No. She deserves something better. Wala pa akong ibinibigay na ring sa kaniya." Napailing si Luca at napangiti. "Kahit na. Nag-agree ang parents ni Anastacia at ang triplets para sa inyong kasal." "I still want the best for her, Luca," sagot ni Ethan habang muling ibinaba ang tingin sa mga singsing. "Hindi ka lang nagbago. Tuluyan ka nang nabaliw kay Anastacia!" natatawang sabi ni Damien. Hindi na sila pinansin ni Ethan. Sa halip, ki
"YOU'RE getting married, Ethan! That's good news," masayang sabi ni Luca. Hinawakan niya sa balikat ang kaibigan. Hindi sila makapaniwala ni Damien na ganoon kabilis ito magpo-propose ng kasal kay Anastacia. "At wala pa silang isang araw ni Anastacia na in a relationship, ha. Nakaka-amaze ka, pare. Masyadon mong ginalingan," nangangantiyaw na sabi naman ni Damien. Hindi naitago ni Ethan ang ngiti sa kanyang mukha. "Of course. I need to take action very fast. Anastacia is only mine. At hindi ko papayagan na mawala siya ulit sa buhay ko. Pati na ang mga anak ko." Napatango-tango sina Luca at Damien. "Ah, kaya pala inaya mo agad magpakasal si Anastacia. Inangkin mo na ang nanay ng mga anak mo," tudyo pa ni Damien. "Pero, pare, seryoso ka ba talaga sa pagpapakasal? I mean, kakasagot pa lang sa iyo ni Anastacia kagabi, tapos ngayon kasal na agad ang nasa isip mo?" tanong ni Luca. "Of course, I'm serious," sagot ni Ethan. "I don't want to waste any more time. Limang taon na na wala


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviewsMore