KINAKAWAYAN ni Anastacia ang kanyang mga anak, hinatid niya ito ulit sa kindergarten bago pumasok sa kompanya. Seven thirty na ng umaga, hindi siya late para sa trabaho.Pinanood pa niya ang triplets habang papunta sa pasilyo ng kanilang classroom. Nang hindi na niya matanaw ang tatlo ay umalis na siya at sumakay sa kotse niya."Kuya Aiden, maaga ang uwi natin mamaya. Sinabi niyo ba kay Mommy?" tanong ni Arianna pagkapasok nila sa loob ng classroom."Nakalimutan ko," sagot ni Aiden. Magkakatabi silang tatlo sa isang lamesa."Kuya naman," reklamo ni Arianna. "Sabi ni Teacher, half day tayo ngayon."Napatingin si Ethaniel sa kanilang kuya."Akala ko sinabi mo kay Mommy kagabi.""Akala ko rin," sagot ni Aiden.Napabuntong-hininga si Arianna."Paano na tayo? Baka sunduin tayo ni Mommy nang late.""Sabihin natin kay Teacher," sabi ni Ethaniel.Tumango si Arianna. "Good idea."Ilang minuto pa ay dumating na ang kanilang teacher."Good morning, children!""Good morning, Teacher!" sabay-sabay
Terakhir Diperbarui : 2026-09-02 Baca selengkapnya