Kabanata 2Maria Ellen's POVPinunasan ko ang mga luha ko bago ko dahan-dahang binuksan ang pinto.“Ellen, kailangan namin ng—”Hindi na naituloy ni Aling Bebang ang sasabihin niya nang makita niya ang namumugto kong mga mata. Napatingin siya sa loob ng bahay at agad nagbago ang ekspresyon ng mukha niya.“Ano'ng nangyari?” mahinang tanong niya.“Pasok po muna kayo, Aling Bebang,” sabi ko habang pilit na pinipigilan ang panibagong pagluha.Tahimik siyang pumasok.Nang masilayan niya si Papa na yakap-yakap ang wala nang buhay na katawan ni Mama, napahawak siya sa sariling bibig.“Susmaryosep...” Mabilis siyang lumapit sa kwarto. “Fernando...”Hindi sumagot si Papa. Patuloy lang itong umiiyak habang hinahaplos ang buhok ni Mama.“Mahal... huwag mo naman akong iwan... paano na kami ng anak natin?”Napayuko ako.Kahit ako, hirap pa ring tanggapin ang nangyari.Lumapit si Aling Bebang kay Papa at marahan itong hinawakan sa balikat.“Fernando... kailangan na nating ipaalam sa barangay. Kaila
최신 업데이트 : 2026-07-14 더 보기