“Oo sis, nakabili na ako kanina.” nakangiting sagot ni Sofia. Inilabas niya ang isang bagong cellphone at isang atm card. “Malinis na ba iyan?” naniniguradong tanong ni Althea. “Of course, inayos ko na yan. Kahit pa imbestigahan pa nila yan, wala silang makikitang kahit ano na magiging connected sayo o sa atin.”Agad na kinuha ni Althea ang cellphone, nilagay niya rito ang number ng kapatid niyang si Celina at mabilis siyang nagsend ng message. ***Samantalang sa bahay ng mga Suarez, sabay-sabay na naga-almusal sina Celina, Leandro at Elizabeth. Mainit at maayos ang kanilang samahan, kung titingnan ay isa silang masaya at kumpletong pamilya. Uminom ng gatas si Celina at palihim na sinenyasan ang kanyang ina. Tumango ang ginang at mahinahong nagsalita. “Hon buntis na ngayon si Celina. Alam mo rin naman na hindi siya gusto ng anak mong si Althea, ngunit pagbalik na pagbalik pa lang nito sa bansa, pinakulong na niya si Angelica. Kung magiging magkatrabaho sila, hindi natin malalama
Huling Na-update : 2026-08-25 Magbasa pa