Marahang hinawakan ni Xavier ang braso ni Althea at hinila siya papunta sa cashier. Nang makita ng cashier ang tatlong security guard na malubhang nabugbog, bahagyang namutla ang mukha nito. Pero hindi pa rin nito inisip na may kasalanan siya, matapang nitong hinarap ang malamig at mabagsik na tingin ng lalaki. “Sir, hindi kayang bayarang ng babaeng ito ang bill. Kinausap ko lang naman siya ng maayos, pero tingnan niyo ang ginawa niya sa akin. Binuhusan niya ko ng kape sa mukha, siya na nga ang hindi nagbabayad eh.”Itinuro ang cashier ang bote ng red wine na gustong isauli ni Althea at may panghahamak na sinabi, “Saka Sir, may patakaran kami rito. Kapag na-order na ang isang bote ng alak, hindi na ito maaaring isauli.”Bahagyang ngumisi ang lalaki, binigyan niya ng madilim at malamig na tingin ang cashier. “Sige nga, buksan mo nga ang bote.”Dahil sa nakakatakot na aura ng lalaki, mabilis na kinuha ng cashier ang pambukas ng wine at binuksan ito. “Sir, pwede ko naman po kausapin
Last Updated : 2026-08-19 Read more