Nagtatakang tinignan ni Sean ang lalaking naglalakad papasok ng isang botika. Hindi rin nagtagal, bumalik na rin ito sa sasakyan.“Sir, ihahatid na po ba kita sa bahay?”Malalim ang mata ni Xavier habang nakatingin kay Sean, para bang may iniisip siya nang tanungin niya ito. “Sean may gusto lang sana akong itanong. Kapag ba may kasama kang babae, nag-iiba ang ugali mo sa kanya?”Nagtatakang kumunot ang noo ng lalaki bago sumagot. “Paano po bang nag-iiba?”“Nag-iiba as in nagiging mahinahon ka at maalaga ka sa kanya.”Sa kalaliman ng gabi, hindi inaasahan ni Sean na ang isang lalaking katulad ni Xavier ay magtatanong tungkol sa mga ganitong bagay. Awkward na umubo si Sean bago nahihiyang sumagot,“Eh hehe Sir, sa totoo lang po wlaa pa po kasi akong naging babae eh.”Bahagyang pinikit ni Xavier ang kanyang malalim na mga mata. Sa liwanag na pumapasok mula sa bintana ng sasakyan, salit-saltian ang liwanag at anino sa gwapo niyang mukha kaya naman mahirap malaman kung ano ang iniisip ni
Last Updated : 2026-09-03 Read more