Share

Kabanata 07: Is That Man Our Daddy?  

Penulis: HotaruYume
last update Tanggal publikasi: 2026-07-17 19:24:26

Nanatiling nakatitig si Kael sa kanya, tila sinusuri ang bawat galaw at bawat salitang lumabas sa bibig ni Gia. Ramdam na ramdam niya ang bigat ng tingin nito na tila kayang tumagos sa kanyang isipan at nababasa niyang may itinatagong kasinungalingan ang babae. Nanlamig ang buong katawan ni Gia, at pilit niyang pinatag ang kanyang dibdib upang hindi mahalata ang kaba.

 

"Kahit nasa ibang bansa ka, nakakausap mo pa rin si Dr. Sanchez?" malamig na wika ni Kian sa tabi. Walang halong emosyon ang boses nito, ngunit ramdam ni Gia ang matinding pagdududa sa bawat salitang binibitawan niya.

 

Nagmadaling magpaliwanag si Gia, pilit na ibinabagay ang tono upang magmukhang tapat at nag-aalala. "Sinabi sa akin ni Mommy Dina nang tumawag ako noong nakaraan. Gusto ko lang naman na masubaybayan ang kalagayan ni Axel kahit nasa malayo ako. Mahalaga sa akin ang kapakanan ng anak ko, at ayaw kong may mapalampas na kahit anong detalye."

 

Walang sagot si Kian. Tumingin siya sa kanyang kapatid at naintindihan ang bawat iniisip nito. Masyadong kalkulado ang bawat hakbang ni Gia, at hindi ito nakaliligtas sa matalas na paningin ng magkapatid. Parehi nilang alam na nagkukunwari lang ito, ngunit hindi pa nila matukoy kung ano talaga ang buong katotohanan.

 

"Kailangan ni Axel ng kapayapaan," wika ni Kael sa wakas. "Introvert lang ang bata. Kailangan niya ng sariling espasyo. Huwag nating pilitin ang mga bagay na hindi pa siya handa."

 

"Alam ko naman iyon, Kael," pilit na pinalambot ni Gia ang boses habang nakatingin nang may pagmamakaawa. "Pero sabi nga ni Dr. Sanchez, mas mabilis siyang magbabago kapag nasa piling natin at tinuturuan natin siyang makihalubilo. Kailangan niyang maramdaman na kumpleto ang pamilya niya. Ngayong nandito na ako, sa wakas ay buo na tayo. Kumain muna tayo nang sabay bago ka umalis ulit. Nagpaluto pa si Mom ng paborito mong ulam."

 

Sumulyap si Kael sa kanya, at mas lalong lumamig ang ekspresyon ng mukha nito. Walang bakas ng paglambot o kahit kaunting interes sa mga sinabi niya. "Bumaba ka na."

 

Nagulat si Gia at hindi agad nakagalaw. "Pero Kael—hindi ka ba talaga sasabay man lang kumain sa amin?"

 

"Bumaba na nga kayo at alagaan mo ang bata," maikli ngunit matigas na sagot ni Kael. "Wala na akong oras."

 

Hindi na siya nakapalag pa. Alam niyang kapag sumalungat pa siya, lalo lamang siyang magmumukhang kahina-hinala. Dahan-dahan siyang bumaba, bitbit ang natutulala pang bata. Sumunod din si Kian bumaba at tumingin nang diretso sa kanya.

 

"Sa ngayon, ikaw muna ang kasama ng bata," seryosong paalala ni Kian. "Huwag mong pababayaan si Axel. Alam mong mahalaga siya sa amin."

" Axel, magpakabait ka kay mommy ha. " sabay haplos sa buhok ng bata at humalik sa noo nito.

 

Tumango si Gia at pilit na ngumiti. Sa likod ng kanyang isip, nandoon pa rin ang takot at ang mapanganib na sugal na sinimulan nina Ginoong Ramon at Ginang Nemia. Ang batang ito ang tanging susi sa lahat ng pangarap niya, ang tanging daan upang matanggap siya ng pamilyang Moretti at makuha ang lahat ng kayamanan at kapangyarihang matagal na niyang inaasam. Kung magkakamali siya ngayon, mawawala ang lahat.

 

Ngunit hindi sumagot nang maayos ang bata. Nakatingin lang ito sa kawalan, walang emosyon at tila walang naririnig. Nang higpitan pa lalo ni Gia ang kanyang yakap, pilit itong kumawala gamit ang maliliit na kamay, kitang-kita ang pagtanggi sa bawat galaw nito.

 

"Huwag kang magmatigas," bulong niya nang mariin.

 

"Gia," babala ni Kian. "Uulitin ko. Alagaan mo siya nang maayos." muling paalala ni Kian habang muling pumapasok sa passenger seat ng sasakyan.

 

Tumingin si Axel kay Kael na nasa driver seat, bagama't nananatiling walang ngiti at seryoso pa rin ang mukha.

 

"Anak, makinig ka muna kay Mommy mo ha. Babalik din kami agad ng Tito Kian mo," paalam ni Kael sa bata bago muling pinaandar ang sasakyan.

 

Pinanood na lang sila ni Gia habang papaalis ito. Nang tuluyan na itong mawala sa paningin niya, biglang nagbago ang kanyang mukha at ibinaba niya ang bata mula sa kanyang bisig nang padabog. Ang lambing at pag-aalala ay agad na napalitan ng matinding galit at pagkadismaya. Tumingin siya sa bata na nakatitig sa kanya nang walang emosyon.

 

"Anong tinitingin-tingin mo?" matalas niyang tanong habang kumukuyom ang kanyang mga palad. "Wala ka nang ibang magagawa kundi tumingin? Napakahirap mong pakisamahan!"

 

Hindi gumalaw si Axel. Nanatili lang itong nakatayo sa harap niya, tila hindi apektado sa galit na ipinapakita niya.

 

"Maglakad ka. Huwag kang umasa na buhat-buhat kita palagi. Hindi kita pwedeng ikunsinti."

 

Hinila niya ang braso nito nang mariin. Natisod ang bata ngunit hindi tumulo ang kahit isang patak ng luha. Tumingin lang ito sa kanya nang may lamig sa mga mata, tila alam nito ang lahat ng kasinungalingan at panlilinlang na nakapalibot sa kanilang dalawa.

 

Sa loob ng sasakyan, tahimik muna ang magkapatid habang pinagmamasdan ang daan. Matagal bago nagsalita si Kian.

 

"Kuya, sigurado ka ba talaga?" tanong nito nang may pag-aalala. "Alam natin kung ano talaga ang pinagmulan niyan. At alam natin kung gaano siya kagaling magkunwari at kung gaano kasama ang tunay na ugali ng babaeng iyon. Paano kung mapahamak lang si Axel sa kanya?"

 

Nakatingin lang si Kael sa daan, tila malalim ang iniisip. "Ito ang kailangan ng bata."

 

"Ito ang kailangan ng bata?" sagot ni Kian. "Kung sakaling malaman niyang hindi talaga siya ang mommy niya... paano na? Paano kung sasaktan niya ang bata?"

 

"Kailangan nating malaman ang katotohanan," matigas na sagot ni Kael habang mas lalong humigpit ang hawak sa manibela. "At kung ano man ang totoo, kailangan itong maisiwalat sa tamang panahon. Hahayaan muna nating lumabas ang tunay na kulay niya."

 

Biglang may mabilis na dumaan na sasakyan sa tapat nila, sabay silang napalingon.

 

"Kilala mo ba iyon?" tanong ni Kian.

 

Tumingin si Kael sa bintana. Sa kabilang sasakyan, ang batang si Chloe ang sumilip at tumingin nang diretso sa kanya. Nanigas sandali si Kael. Parang may bigat na bumagsak sa kanyang dibdib sa sulyap na iyon—isang mukha na tila pamilyar na pamilyar sa kanya.

 

Sa loob ng sasakyang sinasakyan nina Lia, hindi kumurap si Chloe habang nakatingin sa lalaking nasa kabilang sasakyan. Mabilis ang tibok ng kanyang puso habang hinawakan niya ang braso ng kapatid.

 

"Kuya Clyde," bulong niya nang may halong pag-asa at pananabik. "Yung lalaking nasa kabilang sasakyan... kamukhang-kamukha mo siya. Is that man might be our Daddy?"

 

 

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • CORNERED and CLAIMED: Mommy Is The Big Boss Our Daddy?   Kabanata 13: Mommy, Can We Call Him Daddy?

    "Hindi naman magandang tingnan kung dito lang tayo sa parking lot mag-uusap," seryosong wika ni Kian. "Wala tayong privacy dito." Napaisip si Lia. "Sa susunod na lang siguro. Hinihintay na ako ng mga anak ko at ni Mae. Kailangan ko nang umuwi." Ngunit hindi nagpatinag si Kael. "Kung ganoon, sa bahay niyo na lang tayo mag-usap. Gusto ko rin silang makita ulit." Natigilan si Lia. Gusto sana niyang tumanggi, pero sa tindi ng tingin at tono ni Kael, alam niyang wala na siyang ibang magagawa. "Sige," mahina niyang sagot. "Pero huwag kayong magtatagal." Agad siyang pumasok sa kanyang sasakyan. Sumunod naman ang magkapatid sa kanilang sariling kotse. Habang nagmamaneho, mabilis niyang tinawagan si Mae. "Mae, nandiyan na ba kayo?" tanong ni Lia habang nakatingin sa salamin kung sumusunod ba sila. "Nandito na kami. Bakit?" sagot ni Mae sa kabilang linya. "Kasabay ko sina Kael at Kian. Gusto daw nilang makipag-usap at makita ulit ang mga bata," paliwanag ni Lia, nanginginig pa r

  • CORNERED and CLAIMED: Mommy Is The Big Boss Our Daddy?   Kabanata 12: Ang Muling Pagtatagpo

    Pagdating ni Lia sa malaki at mataas na gate ng mansyon ng mga Moretti, halos hindi makahinga habang ibinababa ang salamin ng sasakyang ipinagamit sa kanya ng kumpanya. Ang dambuhalang bahay na ito—ang tahanan ng lalaking asawa ni Gia—ang naging dahilan kung bakit nanginginig ang kanyang mga tuhod ngayon. Agad siyang lumabas at humarap sa mga bantay. "Ako po si Lia Montenegro. Naroon po ang kaibigan kong si Mae at ang mga anak ko. Nandito ako para sunduin sila." Pagkakilala sa pangalan, agad silang nagbigay-daan at pinapasok si Lia. Habang naglalakad siya sa malawak na pasilyo, tila bumalik ang lahat ng masasakit na alaala. Ang takot na baka may mangyaring masama sa kambal sa piling ng mga taong malapit sa taong sumira sa kanya. Nang buksan ang malaking p***o ng sala, tumigil ang mundo ng lahat. Sa unahan, nakatayo si Kael at sa tabi niya si Kian. Nang magtama ang kanilang mga mata, pareho silang natigilan. Sila ang mga lalaking nakasalubong niya sa airport. Ngunit ngayon, sa harap

  • CORNERED and CLAIMED: Mommy Is The Big Boss Our Daddy?   Kabanata 11: Ang Lukso Ng Dugo

    Natahimik ang buong sala matapos magpaliwanag si Kian. Tanging ang mahinang tunog ng orasan sa dingding ang naririnig habang nagtititigan ang bawat isa. Hindi maalis ni Mae ang pag-aalala sa kanyang mukha, habang ang kambal ay hindi maalis ang tingin kay Kael.Sa di kalayuan, sa likod ng malaking haligi, nakatanaw si Gia kasama si Axel. Namutla siya nang makita ang pagkakahawig ng kambal kay Kael. Ramdam niyang unti-unti nang gumuguho ang lahat ng kanyang itinago. Kasama rin nila ang mga magulang nina Kael at Kian na puno ng pagtataka at pag-asa ang tingin sa mga bata."Pasensya na po kung hindi ako makapangako agad," basag ni Mae sa katahimikan. "Ninang lang po ako nila Clyde at Chloe. Pansamantala ko lang silang binabantayan habang nasa trabaho ang Mommy nila. Ang desisyon ay nasa kanila at kay Lia pa rin.""Alam namin iyan," mahinahong sagot ni Kian. "Nais lang sana namin na makasama muna kahit ngayon lang at handa kaming maghintay sa susunod. Baka sakaling makatulong ito sa kapati

  • CORNERED and CLAIMED: Mommy Is The Big Boss Our Daddy?   Kabanata 10: Ang Anorexia

    Nakatayo si Gia sa entrance, sa tabi ng mga tauhang may hawak ng karatulang may nakasulat na "Maligayang Pagbabalik, Lia Montenegro!"Nang makita niyang dahan-dahang bumaba si Lia mula sa sasakyan, bahagyang nanginig ang ngiti sa kanyang mga labi. Iba na ito. Hindi na iyon ang dating kapatid na madaling paamuhin. Sa bawat hakbang ni Lia, tila may dala itong awtoridad na hindi kayang pantayan ng anumang pakitang-tao.Agad na lumapit si Gia at akmang yayakapin ito, ngunit bahagyang umiwas lang si Lia at tumango nang maikli."Ate..." malambing na simula ni Gia, pilit itinatago ang kaba. "Bigla ka na lang nawala five years ago. Sobrang masaya ako na nandito ka na ulit.""Masaya ka na nandito ako?" malamig na tanong ni Lia habang nakatingin nang diretso sa mga mata nito. "O masaya ka dahil sa wakas ay may mag-aayos na sa gulo ng kumpanya ninyo?"Natigilan si Gia. Napatingin ang mga empleyado sa isa't isa."Alam mo naman na hindi ganoon ang ibig kong sabihin," pilit na ngumiti si Gia. "Ikaw

  • CORNERED and CLAIMED: Mommy Is The Big Boss Our Daddy?   Kabanata 09: Ang Dakilang Regalo

    Napakuyom ng kamao ni Mae at biglang tumayo, nagliliyab ang kanyang mga mata sa matinding galit. "Siguradong gagawin ko ang lahat nang tama at pagbabayarin ko nang husto ang babaeng iyon, sa lahat ng pahirap at pasakit na idinulot niya sa'yo.""Gawin mo ang nararapat ng may respeto. Umaasa ako sa'yo, Mae. At salamat sa lahat.""Bakit kailangan ko pang magpakita ng respeto sa taong walang puso tulad niya?" Nang mapansin niyang mahinahon lang si Lia, muling naging masigla si Mae. "May eksenang magkasama kami ni Gia sa shooting sa loob ng ilang araw. Gusto mo bang pumunta sa set? Sigurado akong matataranta siya kapag nakita ka."Matataranta?Hindi ba't sanay na sanay na siyang gumawa ng kasamaan?Itinaas ni Lia ang kanyang baba, may malamig at matalas na kislap sa kanyang mga mata. "Hindi na ako makakapaghintay pa ng ilang araw. Bukas pa lang, bibigyan ko na siya ng regalong hinding-hindi niya makakalimutan."...Kinabukasan.Maagang-maaga pa lang ay gising na si Lia para maghanda ng alm

  • CORNERED and CLAIMED: Mommy Is The Big Boss Our Daddy?   Kabanata 08: Ang Kambal Na Uhaw Sa Ama  

    Nang tuluyan nang mawala sa paningin nila ang sasakyang sinasakyan nina Kael, tahimik na nakaupo sina Clyde at Chloe sa likuran habang nakatingin pa rin sa bintana. Apat na taon na silang lumaki nang walang ama, at sa sulyap na nakita ni Chloe kanina, parang may nabago sa kanilang isipan."Wala akong ganang maglaro ngayon," maikli at seryosong sabi ni Clyde habang nakakrus ang mga braso.Tumingin sa kanya si Chloe na may hawak na lollipop sa bibig. "Bakit naman? Dati sabik ka pa nga umuwi para makita ang bagong bahay ni Ninang Mae."Tumingin si Clyde sa kapatid. "Kasi iba na ang nararamdaman ko. Tandaan mo ang sinabi ni Mommy? Sabi niya wala na raw ang Daddy natin. Pero kanina... yung lalaking nakita natin... parang pamilyar na pamilyar siya. At sabi mo kamukha ko siya."Ngumuso si Chloe habang dahan-dahang nginunguya ang kendi. "Sabi ni Mommy matagal na raw siyang wala. Pero masaya naman tayo basta kasama natin siya, 'di ba?"Umiling si Clyde. "Hindi porke't ganoon ang sabi niya ay l

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status