Nanginig ang mga daliri ko habang inaayos ko ang kwelyo ng suit ni Lucas. Kitang-kita ko ang repleksyon naming dalawa sa malaking salamin ng kwarto namin—ako, pilit na pinapakalma ang sarili, at siya, ang asawang walang takot na humaharap sa kahit anong unos para sa akin."Kailangan ba talagang pumunta doon, Lucas?" mahina kong bulong, pilit na iniiwas ang mga mata ko sa katineraryo ng gabing ito. "Alam mo naman kung sino ang mga posibleng nandoon."Hinarap niya ako, hinawakan ang magkabilang pisngi ko gamit ang malalambot niyang palad. Ramdam na ramdam ko ang init ng balat niya na nagpakalma kahit kaunti sa nagliliyab kong kaba. "Kiarah, paulit-ulit ko namang sinasabi sa iyo, hindi kita pinipilit para lang ipagmalaki ko ang kompanya. Pupunta tayo roon dahil simula ngayon, hindi na ikaw ang nagtatago. Sila na ang dapat manginig kapag nakita ka nila."Napalunok ako. Ilang taon din akong nagpakalayo-layo para lang pagalingin ang sarili ko mula sa mga sugat na iniwan ng nakaraan. Limang
Dernière mise à jour : 2026-09-06 Read More