THIRD POV Linggo. Dumating nga si Rafael gaya ng pangako nito kay Kiarah. Nang makita siya ng binata, parang bula na nawala ang buong araw nitong pagka-tampo."Dumating ka nga, Rafael!" bulalas ni Kiarah, ang mga mata ay nagniningning sa tuwa habang sinalubong ng yakap ang binata. "Akala ko talaga hindi na kita mahihintay.""Sabi ko naman sa'yo, 'di ba? Hinding-hindi ko kayang sirain ang pangako ko sa'yo, Kiarah," nakangiting sagot ni Rafael habang mahigpit na gumanti sa yakap ng dalaga, saka hinalikan ito sa noo. "Saan mo gustong pumunta ngayon? Bawi tayo sa oras natin."malambing na tanong ni Rafael."Kahit saan, basta kasama kita, ayos na sa akin," nakangiting sabi ni Kiarah habang inayos ang kwelyo ng suot ng binata. "Basta huwag mo lang akong iiwan mamaya ha?""Hinding-hindi kita iiwan, pangako 'yan," wika ni Rafael sabay hawak nang mahigpit sa kamay ng dalaga habang naglalakad sila palabas ng gate.Masayang-masaya sila habang naglalakad sa labas. Kumain sila sa paborito nilan
Dernière mise à jour : 2026-07-29 Read More