ELENA's POV Pagpasok pa lang namin sa kubo, nakaramdam na agad ako ng antok at kaginhawaan.Simula kasi nang dumating si Faye si bahay ni Adrian hindi naman sa pag-iinarte dahil wala naman akong karapatan na mamili kung sino ang patuluyin ni Adrian sa bahay niya. Dahil isa lang din naman akong sampid sa bahay ni Adrian. Pero mabigat na ang pakiramdam ko at pakiramdam ko din laging may nakabantay sa kilos ko. " Elena, dito ka muna ah. Samahan ko lang si Yuhan para ako taga-salo sa nakuha na niyang santol." Ani ni Collin. " Sige maraming salamat, Collin." " Ano ka ba okay lang 'yon.Nagpasalamat pa nga ako na pinaglihian mo ngayon ang santol dahil may pagkakataon tuloy akong makausap at makasama si Yuhan." Natatawang sambit ni Collin na may kasama pang kilig sa sinabi niya. Napaawang naman ako sa nalaman. Ngayon alam ko na may lihim na pagtingin ang dalaga kay Yuhan. Napailing na lamang ako dahil huwag sanang matulad sa akin si Collin na ako lagi ang gumawa ng effort dati kay
Huling Na-update : 2026-08-25 Magbasa pa