MasukWarning: Mature Content!! Akala ni Elena ay nasa tamang lalaki na ang lahat ng pangarap niya. Limang taon niyang minahal ang boyfriend niyang si Dylan, hanggang sa mabuntis siya. Ngunit sa araw na inaasahan niyang maririnig ang salitang "pananagutan kita," tinalikuran siya nito at piniling sundan ang marangyang buhay na iniaalok ng iba. Nasaktan at walang ibang malapitan, nagpasya si Elena na tumakas habang dinadala ang anak sa kanyang sinapupunan. Nangakong bubuo siya ng panibagong buhay—malayo sa lalaking sumira sa kanyang puso. Ngunit hindi niya inaasahang muling magtatagpo ang kanilang landas... sa pamamagitan ng isang lalaking mas mapanganib kaysa sa dati niyang minahal. Si Adrian, ang malamig, makapangyarihan, at ubod ng guwapong tiyuhin ni Dylan, ay isang bilyonaryong walang balak umibig. Ngunit nang makilala niya si Elena at ang inosenteng batang itinuturing niyang sariling anak, unti-unting nabasag ang pader sa kanyang puso. Paano kung ang babaeng itinakwil ng sariling pamangkin ang siyang babaeng pinakamamahalin niya? At paano kung bumalik si Dylan para bawiin ang babaeng iniwan niya noon... pati ang anak na hindi niya kailanman kinilala? Sa pagitan ng nakaraan at kasalukuyan, sino ang pipiliin ni Elena—ang lalaking unang sumugat sa kanyang puso, o ang tiyuhing handang suungin ang lahat para sa kanya?
Lihat lebih banyakELENA'S POV
"Congratulations, Miss. You're eight weeks pregnant." Masayang wika ng babaeng doktor sa harapan ko. Parang tumigil ang pag-ikot ng mundo ko. Hindi ko namalayang napahawak ako sa aking tiyan habang nakatitig sa pregnancy test at ultrasound na iniabot ng doktor. Kanina lang ay kinakabahan ako sa resulta, pero ngayon...magiging nanay na ako. Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi ko. Hindi ko mapigilang maiyak sa sobrang saya.Sigurado akong matutuwa si Dylan. Limang taon na kaming magkasintahan. Ilang beses na niyang sinabi na gusto na niyang bumuo ng pamilya kasama ako. Ito na ang pinakamasayang balitang maibibigay ko sa kanya. Paglabas ko ng ospital, dumiretso na agad ako sa penthouse niya.May duplicate key ako kaya agad akong nakapasok sa loob. Ngunit sa unang hakbang ko pa lang... May narinig na akong kakaibang tunog mula sa silid ng aking kasintahan.Mahinang halakhakan at bulungan.At isang boses ng babaeng hindi ko kilala. Nanlamig ang buo kong katawan. "Dylan..." mahina kong tawag. Walang sumagot.Dahan-dahan kong itinulak ang p***o ng kwarto. At sa isang iglap... Parang gumuho ang buong mundo ko.Nasa kama ang lalaking pinakamamahal ko.Walang saplòt sa pang-itaas habang mahigpit na yakap ang isang halos hùbad na babae.Napaatras ako. Nahulog ang envelope ng ultrasound sa sahig.Sabay pa silang napalingon. "Elena?"Nanlaki ang mga mata ni Dylan.Samantalang ang babae ay ngumisi lang at mas lalo pang kumapit sa nobyo ko. Na para bang nagmamalaki pa. "Dylan..." nanginginig kong sambit. "Ano... ano 'to?" Napabuntong-hininga siya.Imbes na magpaliwanag... Tumayo siya at walang emosyon na tumingin sa akin. "Good. Nalaman mo rin."Walang pakialam niyang wika. Hindi niya alam kung gaano na ako nanginig sa subrang galit ko sa kanila. Pakiramdam ko'y may humawak sa puso ko at marahas iyong pinìga. "L-loko lang 'to, hindi ba?" "Hindi."Mabilis niyang sagot na umiiling pa. "Five years, Dylan!"Matigas kong sambit. "At sapat na ang limang taon." Aniya. Napaluha ako.Hindi ko alam kung alin ang mas masakit ang pagtataksil niya o ang malamig niyang mga titìg na para bang hindi niya ako minahal kahit kailan. "Kailangan ko nang pakasalan si Vanessa." Madiin niyang sabi. Diretso ang tingin niya sa akin na para bang wala na siyang pakialam sa limang taon na relasyon namin. Parang sumabog ang tenga ko. "Bakit?" Garalgal na tanong ko. Nanginginig na ang aking katawan. "Dahil anak siya ng pinakamalaking investor ng pamilya namin." So, that's it! It's all about business and money. Napatawa ako.Pero tawa ng isang taong unti-unti nang nababaliw. "So... pera?" "Tinatawag mo mang pera o responsibilidad, wala nang magbabago." Napahawak ako sa aking tiyan. Dahil ano man oras ay bibigay na ako. Wala kasing sakit ang lokohin ka ng taong mahal mo na pinaglaanan ko ng aking sarili at oras. Hindi niya alam na dinadala ko ang anak niya.At pagkatapos ng lahat...hindi na niya dapat malalaman pa. Pinunasan ko ang mga luha ko at pilit na ngumiti. "Congratulations." Wika ko,na nakuha pang ngumiti para ipakita sa kanila na kahit nasasaktan ako sa oras na ito. Hindi parin nila ako kayang durugin. Iyon lang ang sinabi ko bago tuluyang tumalikod. Hindi ko na nilingon ang lalaking minsang pinangarap kong makasama habambuhay. Dahil sa mismong araw na nalaman kong magiging ina ako... Nalaman ko ring wala na palang magiging ama para sa magiging anak ko. At doon ako nangako sa sarili na hindi na niya kami makikita kailanman. HINDI ko na namalayang nakarating ako sa labas ng condominium.Humahagulgol akong sumakay ng taxi habang mahigpit na yakap ang envelope ng ultrasound. "Miss, okay lang po ba kayo?" nag-aalalang tanong ng driver. Napailing lang ako."Paalis na lang po... kahit saan."mahina kong sabi.Nag-alala naman niya akong tiningnan. " Hay, pag-ibig talaga nakakaiyak at nakakabaliw." Wika pa ng driver sabay napailing. Kung hindi pa ako nasasaktan sa oras na ito. Gusto ko sanang pagsabihan siya na mag-focus nalang siya sa pagmamaneho kaysa maging tsismoso. Hindi ko na kayang bumalik sa apartment naming dalawa.Lahat ng alaala roon ay si Dylan. Lahat ng pangarap ko... siya rin ang kasama. Pero ngayong gabi, sabay-sabay iyong namatay. Napahawak ako sa tiyan ko. "I'm sorry, baby," mahina kong bulong habang tuloy-tuloy ang pagpatak ng luha. "Hindi ko kayang lumaki kang kasama ang isang ama na piniling talikuran tayo." PAGDATING sa maliit kong apartment, agad kong inilabas ang lahat ng gamit ko.Mga damit. Mahahalagang dokumento.At ang ultrasound na paulit-ulit kong tinititigan.Napangiti ako sa gitna ng pag-iyak. "Kahit tayo na lang dalawa, baby." Garalgal na wika ko. Tumunog ang cellphone ko. Nag-iisip muna ako kung anong hakbang ang susunod na gagawin ko ngayon. Hindi ko alam kung saan na ako ngayon pupunta. Basta isa lang alam ko ayaw ko nang makita ang pagmumukha ng taksil kong dating nobyo. Napapitlag ako nang biglang tumunog ang aking cellphone.Bigla akong nanggalaiti nang makita ko sa screen ang pangalan ng taksil. DYLAN CALLING... Hindi ko sinagot.Muling tumawag.At muli. Hanggang sa sunod-sunod na ang pagpasok ng mga mensahe. Dylan: Nasaan ka? Dylan: Kailangan nating mag-usap. Dylan: Huwag kang gumawa ng eksena. Napatawa ako nang mapait.Ako pa talaga ang gumagawa ng eksena? Isang pindot lang...At tuluyan kong binura ang numero niya.Kasunod noon ang lahat ng litrato naming dalawa.Parang bawat larawang nabubura ay kasabay ring nawawala ang limang taon ng buhay ko. KINABUKASAN, maaga akong nagtungo sa terminal. May alok na trabaho ang dati kong kaklase sa isang maliit na bayan sa probinsiya.Hindi ko sana iyon tatanggapin. Pero ngayon...Iyon na lang ang tanging paraan para makapagsimula ulit.Habang naghihintay ng biyahe, may nakita akong breaking news sa malaking television sa terminal. "Young businessman Dylan Montenegro, engaged to heiress Vanessa Villareal. Wedding preparations underway." Kasunod noon ang masayang mukha ni Dylan. Nakangiti siya.Masayang-masaya. Samantalang ako...Durog na durog.Pinatay ko ang screen ng cellphone ko. "Wala ka nang karapatang malaman ang tungkol sa anak natin." Mahinang bulalas ko. Makalipas ang ilang minuto...Umandar ang bus. Hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa akin sa bagong lugar. Ang alam ko lang...Sa pag-alis kong ito, tuluyan kong ililibing ang nakaraan.Hindi ko alam kung anong magiging buhay ko para sa panibagong kabanata ng aking buhay kasama ang dinadala sa aking sinapupunan.ELENA's POV Pagpasok pa lang namin sa kubo, nakaramdam na agad ako ng antok at kaginhawaan.Simula kasi nang dumating si Faye si bahay ni Adrian hindi naman sa pag-iinarte dahil wala naman akong karapatan na mamili kung sino ang patuluyin ni Adrian sa bahay niya. Dahil isa lang din naman akong sampid sa bahay ni Adrian. Pero mabigat na ang pakiramdam ko at pakiramdam ko din laging may nakabantay sa kilos ko. " Elena, dito ka muna ah. Samahan ko lang si Yuhan para ako taga-salo sa nakuha na niyang santol." Ani ni Collin. " Sige maraming salamat, Collin." " Ano ka ba okay lang 'yon.Nagpasalamat pa nga ako na pinaglihian mo ngayon ang santol dahil may pagkakataon tuloy akong makausap at makasama si Yuhan." Natatawang sambit ni Collin na may kasama pang kilig sa sinabi niya. Napaawang naman ako sa nalaman. Ngayon alam ko na may lihim na pagtingin ang dalaga kay Yuhan. Napailing na lamang ako dahil huwag sanang matulad sa akin si Collin na ako lagi ang gumawa ng effort dati kay
ELENA'S POV Kahit nakaramdam na ako ng gutom tiniis ko pa rin ang sarili na hindi lalabas ng kwarto. Dalawang araw ng nandito si Faye sa bahay ni Adrian. Sa tuwing magtagpo ang aming landas lagi nalang nuya akong tinaasan ng kilay at nandidiri sa akin na para bang may nakakahawa akong sakit. Napaayos ako ng upo sa kama nang may biglang pumasok sa kwarto ko. " What's wrong with you, Ellena? There's something wrong?" Sunod-sunod na tanong ni Adrian.Ngayon lang ulit kami nagkita dahil madalas siyang wala sa bahay niya. At kung makarating man siya ng bahay tuwing gabi. Malaman tulog na siguro ako sa oras na iyon. "Adrian..." mahinang sambit ko sa pangalan niya. Nag-alala niya akong nilapitan at tumabi siya sa akin ng upo sa kama. " I was worried, minsan ka nalang daw lumalabas sa kwarto mo. Diba sabi ko sa'yo kailangan mong maglakad-lakad at magpainit saglit." Aniya, na hindi mapigilan ang sarili na haplusin ang mukha ko. Napangiti ako ng tuluyan sa ginawa niya. Nararamdaman
ELENA'S POV Nakangiti ako habang pinagmamasdan ang mga magagandang tanawin na nadaanan namin. Tahimik lang akong nakatingin sa labas ng bintana. Kanina pa nagriring ang cellphone ko pero hindi ko ito tinitingnan kung sino ang tumawag sa akin. Dahil alam ko naman naman na walang mahalagang tao na mag-aksaya ng oras para kumustahin ako.Baka nga scammer pa ito. " Kanina pa nagriring ang cellphone mo,Elena. Ayaw mo bang sagutin?" tanong sa akin ni ate Belen. " Opo..." sagot ko,na napilitan na tingnan ang aking cellphone.Gan'on na lamang ang paglaki ng aking mga mata sa tumawag. Si Bethany... ang dami na niyang misscalls at messages sa akin. " Si sir Adrian ba ang tumawag?" nilingon pa ako ni ate Belen. " Hindi ho, kaibigan ko po." Napaisip lang ako kung bakit naman ako tatawagan ni Adrian. Iyong pangako nga niya na sasamahan niya akong mamasyal sa siyudad ay napako pa. Tatawagan pa kaya? Sa inis ko na may kasamang galit kay Bethany ay mabilis ko na lang na pinatay ang
ELENA'S POV Tahimik lang ako habang nasa loob na ng sasakyan ni Adrian. Katabi ko siya sa loob na tahimik lang din habang busy sa kapipindot ng kanyang cellphone. Kaya malaya kong napagmasdan ng lihim ang kanyang gwapong mukha. " May sasabihin ka ba, Elena?" nagulat ako nang bigla siyang lumingon sa akin na ngayon ay nakangisi na. " Ah, wala po," mabilis kong sagot na agad binaling ang aking tingin sa labas ng bintana. Narinig ko pa ang mahina niyang tawa. Tinatawanan ba niya ako? Nakita kaya niya na panay sulyap ko sa kanya? " Anong plano mo na ngayon? Alam mo nang niloloko ka ng kaibigan mong si Bethany?" tanong niya. Nilingon ko siya ulit," Wala akong balak sa kanya. Mas naka-focus ako ngayon sa pinagbubuntis ko.Gusto ko sanang habang maliit pa ang aking tiyan,makahanap ako ng trabaho. Kahit pa extra-extra lang." Mahabang wika ko. Nakita ko naman ang reaksyon ng mukha niya. " Gusto mo talagang magtrabaho? Hindi mo naman kailangan, kaya ko naman kayong buhayin ng ba












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Ulasan-ulasan