ELENA'S POV Pagkatapos ko na magbihis mabilis na akong bumaba ng kwarto. Nakangiti na sa akin si ate Belen na naghihintay sa sala. " Ang ganda mo naman, Elena. Ang sexy mo pa," humahangang wika niya na pinasadahan pa ako ng tingin mula ulo hanggang paa. " Si ate Belen talaga. Jogging pants at t-shirt lang ang suot ko at nakatali lang ang buhok ko. " Tumawa siya," Basta kaya alam ko na. " " Ha? Anong alam mo po,Ate?" " Wala...tayo na." Niyaya na niya ako na lumabas na kami para maumpisahan na namin ang aming pamamasyal. Napahanga agad ako sa labas ng bahay ni Adrian. Hindi naman mansyon ang bahay niya sakto lang ang laki na sapat na para magkakitaan ang mga tao sa loob. Preskong hangin agad ang sumalubong sa amin nang medyo malayo na kami sa bahay ni Adrian. " Ang ganda naman dito, Ate." " Rest house ito ni sir Adrian. Dito siya namalagi kapag gusto niyang magpahinga at kapag pagod siya sa siyudad." " Hmm, may pamilya po ba si Adrian?" wala sa sarili kong t
آخر تحديث : 2026-07-22 اقرأ المزيد