“Ano ba ’yan, last day na natin,” sabi ni Joyce habang nakatingin sa paligid ng courtyard ng The Manor sa Baguio.Dampi ng malamig na hangin ang sumalubong sa amin, kasabay ng amoy ng ambon at pine trees na tila nang-aakit na bumalik na lang kami sa kama.“Sabi nga ni Sir Mendoza, hanggang today na lang tayo,” dagdag pa nito, bahagyang itinataas ang zipper ng kaniyang jacket para labanan ang lamig.“Kaya nga, Te. Parang gusto ko pa mag-stay,” sagot ni Alexis, sabay buntong-hininga habang nakasandal sa railings.“Ang bilis naman kasi. Nakakainis.”“Naku, Alexis,” singit ni Cassie, sabay tapik sa balikat nito.“Team building ’to, hindi vacation.”“Same thing,” mabilis na sagot ni Alexis na nakatitig sa fog na dahan-dahang bumababa mula sa kabundukan.Napatawa kami. Sa gitna ng lamig ng umaga, kahit paano’y gumaang ang pakiramdam ko. Yumuko ako at tiningnan ang suot ko, I was wearing a black shirt, black fitted shorts, and sturdy dark sneakers. Simple at practical.“Good choice ’yang outf
Última actualización : 2026-10-07 Leer más