“Dali, ikwento mo naman sa ’kin! Nakita namin kayo kahapon kasama si Brion, saan kayo pumunta, ha?” panunukso ni Cassie habang masayang nakasandal sa upuan ng van.“Sige na, Alessa. Magkuwento ka na! Huli ka na, wala ka nang choice!” dagdag pa niya, sabay tawa.Napailing ako, hindi ko maiwasang mapangiti sa pang-aasar niya. Nasa biyahe kami ngayon papunta sa Obsidian. Dahil nahuli nila kami ni Carson kagabi na kasama si Brion, heto na naman siya. Kanina pa niya ako hindi tinatantanan sa mga tanong niya.“Cassie, pumunta lang kami sa birthday ng mom niya. Isinasauli ko lang ang pabor, 'yun lang,” sagot ko, pilit na iniiwasan ang mapanuring tingin niya.“Sa birthday ng mom niya?!” taas-kilay niyang tanong, nanlalaki ang mga mata sa gulat.“Gurl, come on! Like, why would he invite you to his mom's birthday? That's so fishy, ha!”“Cass, huwag mong gawan ng malisya. Magkaibigan lang kami, okay? ’Yun lang,” napabuntong-hininga ako.“Hmm,” ngumisi siya.“Like, we’ve known Brion for so long al
Last Updated : 2026-09-13 Read more