Hindi ko na nakayanan. Mabilis akong tumakbo patungo sa banyo habang hawak ang bibig ko. Pagkarating na pagkarating ko doon, napaluhod ako sa tapat ng toilet bowl at isinuka ang lahat ng ininom ko. Umiikot pa rin ang paligid ko, pero mas masakit ang kirot sa dibdib ko.Hindi nagtagal, naramdaman ko ang marahang paghimas sa likod ko. Pumasok pala si Cassie para sundan ako. Binigyan niya ako ng tissue at isang basong tubig pagkatapos kong magmumog."Alessa... are you okay?" alalang-alalang tanong ni Cassie habang inaakayan akong tumayo para humarap sa salamin.Doon na ako tuluyang nag-breakdown. Humagulgol ako habang nakahawak sa sink. "I'm okay, Cass... I just drunk a lot, 'yun lang..."Niyakap ako nang mahigpit ni Cassie. "Shh... tahan na, Alessa. Listen to me, okay?" Humarap siya sa akin at tinitigan ako nang diretso sa mga mata habang pinupunasan ang mga luha ko. "You need to move on from that kind of guy. He's not worth your tears. You are worth so much more than how he treats you!
Last Updated : 2026-09-23 Read more