Share

Chapter 27

Author: Rocel
last update publish date: 2026-08-06 20:55:48

Third POV

Pagkapasok nila sa ikalawang palapag, huminto sila Nick at Liza sa tapat ng isang malaking silid.

Napakunot ang noo niya nang buksan iyon ni Nick.

Isa itong master bedroom.

Hindi niya maitago ang pagtataka.

Hindi naman siya kinakabahan pero formal na ba ang ganito?

May dala siyang stun gun at pepper spray sa loob ng bag niya palagi. Kung sakaling may gawin itong hindi tama sa kaniya, alam niyang kaya niyang ipagtanggol ang kaniyang sarili.

"Sir..." maingat niyang tawag, kaya't napali
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • My Greatest Sacrifice    Chapter 81

    Author’s POV“My Cheesecake, bakit mo raw gustong ipahukay ang bangkay ni Kalix?”Napalingon si Liza kay Emilio na kasalukuyang abala sa pag-aayos ng ilang kumpol ng ubas sa kanilang taniman. Kanina pa ito nagtatanong tungkol sa desisyon niyang ipahukay ang bangkay ng kaniyang yumaong asawa, ngunit ngayon lamang siya nakahanap ng pagkakataong sagutin ito.Sandali siyang natahimik bago muling ibinaling ang tingin sa mga halamang nakapaligid sa kanila.“Gusto kong malaman kung totoong wala na talaga siya,” sagot niya habang malalim ang iniisip.Napahinto si Emilio sa ginagawa. Kumunot ang noo nito at tuluyang humarap sa kaibigan.“Ha? Bakit naman? Nakita ng dalawang mata natin ang katawan niya, di ba? Nandoon tayo noong inilabas nila iyon sa morgue. Tayo mismo ang nag-asikaso sa burol at libing niya.”Napailing si Liza.“Katawan?” ulit niya, bahagyang tumataas ang boses. “Emilio, katawan nga, pero hindi naman natin nakita ang mukha niya! Wasak na wasak ang mukha dahil sa pagsabog na sin

  • My Greatest Sacrifice    Chapter 80

    THIRD POV Maagang nagising si Liza upang maghanda sa pagpasok sa trabaho. Balak sana niyang bumangon nang hindi gumagawa ng ingay, ngunit nagulat siya nang mapansing wala na ang lalaking katabi niya kagabi sa kama. Napatingin siya sa kabilang bahagi ng higaan. Maayos na ang unan at nakatiklop na ang kumot na ginamit ni Kaidex. Napabuntong-hininga siya. Mukhang mas maaga pa itong nagising kaysa sa kaniya. Agad siyang nag-ayos ng sarili at lumabas ng silid. Pagdating niya sa dining area, bumungad sa kaniya ang nakahandang almusal sa mesa. May pritong itlog, sinangag, at ilang hiwa ng prutas. Sa kusina naman ay nakita niya si Kaidex na abalang nagtitimpla ng kape. Para siyang nakakita ng isang pamilyar na eksena. Ganoon din kasi ang ginagawa ni Kalix noon kapag may pasok siya. Madalas ay nauuna itong gumising upang maghanda ng kanilang almusal, lalo na kapag alam nitong magiging abala ang araw niya. Napailing si Liza. Hindi na naman. Bakit ba palagi niyang naiuugnay kay Kalix

  • My Greatest Sacrifice    Chapter 79

    THIRD POVHindi makatulog si Liza kahit ilang beses na siyang nagpalit ng posisyon sa kaniyang kama.Pumikit siya at pilit na inalis sa isip ang mukha ni Kalix, ngunit lalo lamang iyong luminaw sa kaniyang alaala. Naalala niya ang mga ngiti nito, ang paraan ng pagtitig nito sa kaniya, at ang bawat pagkakataong ipinadama ng lalaki kung gaano siya kamahal.Maging ang simpleng paghawak nito sa kaniyang kamay ay sariwa pa rin sa kaniyang alaala.Napahawak siya sa kaniyang dibdib.Bakit ba ganoon? Kahit wala na ang kaniyang asawa, tila naroon pa rin ito sa bawat sulok ng kanilang silid. Sa kanilang kama, sa kabinet na magkatabi nilang pinili, at maging sa unan na palagi nitong ginagamit.Napapikit siya nang maramdaman ang pag-agos ng luha sa kaniyang pisngi."Kalix..."Mahina niyang sambit sa pangalan ng asawa.Miss na miss na niya ito.Kung maibabalik lamang niya ang nakaraan, marami siyang gustong itama. Gusto niyang iparamdam dito ang pagmamahal na matagal niyang ipinagkait. Gusto niyan

  • My Greatest Sacrifice    Chapter 78

    THIRD POVHindi muna natuloy ang balak ni Liza na sumakay sa cruise.Sa halip na magliwaliw at magpahinga, napilitan siyang manatili sa kompanya nila ni Kalix matapos niyang malaman na nagkakaroon ito ng problema kapag walang maayos na namamahala.Noong una, naisip niyang ipagpaliban na lamang ang lahat.Tutal, gusto rin naman niyang makalayo kahit sandali. Gusto niyang huminga, kalimutan muna ang lahat ng sakit at pagsisising ilang araw nang gumugulo sa kaniyang isip.Pero habang tinitingnan niya ang mga dokumento sa kaniyang mesa, unti-unti niyang napagtanto na baka ito na rin ang tamang pagkakataon para ayusin ang lahat.Para sa kanilang mga anak.At higit sa lahat…Para kahit papaano ay makabawi siya kay Kalix.Tahimik siyang nakaupo sa kaniyang opisina nang biglang bumukas ang pinto.Agad siyang napatingin nang makita si Emilio.“Akala ko ba aalis ka na muna at magliliwaliw?” tanong nito habang papalapit sa kaniya.“Kailangan ko pa palang manatili muna rito,” sagot ni Liza.Kumuh

  • My Greatest Sacrifice    Chapter 77

    THIRD POV“Paano, magpapaalam na ako sa inyo.”Pagpapaalam ni Liza kina Nick at Lorena.“Saan ka naman pupunta?” tanong ni Nick.Napangiti si Liza bago sumagot.“Doon ko na balak tumira sa mga magulang ni Kalix kasama ang mga anak namin. May edad na rin kasi sila, at nag-iisang anak lang si Kalix. Gusto kong makasama nila ang mga apo nila.”Sandaling natahimik ang lahat.Alam nilang hindi magiging madali para kay Liza ang desisyong iyon.Ang bahay ng mga magulang ni Kalix ay puno ng alaala.Doon siya minsang naging asawa.Doon niya nakasama ang lalaking pinakamamahal niya.At ngayon, babalik siya roon nang wala na si Kalix.Ngunit hindi para manatili sa nakaraan.Kundi para alagaan ang mga taong naiwan nito.“Sigurado ka?” tanong ni Nick.Tumango si Liza.“Oo.”Bahagya siyang ngumiti.“Matagal ko nang naisip. Hindi ko kayang hayaang tumanda silang wala ang mga apo nila sa tabi nila.”“Isa pa…”Napatingin siya sa mga anak niyang masayang naglalaro sa di-kalayuan.“May mga anak kami ni

  • My Greatest Sacrifice    Chapter 76

    THIRD POVNawala ang pagod nina Liza at Nick nang tuluyan nilang marating ang kanilang pupuntahan.Mula sa kinatatayuan nila ay agad nilang nakita si Lorena na abala sa pagwawalis ng bakuran.Simple lamang ang suot nito. Nakalugay ang buhok at walang anumang magarbong ayos sa mukha. Ngunit para kay Nick, tila mas lalo itong gumanda kumpara sa huli niyang pagkikita rito.O baka ngayon lamang niya ito tinitingnan nang walang takot at pag-aalinlangan.Napalingon si Liza kay Nick.Natigilan ang lalaki.Hindi nito maalis ang tingin kay Lorena.Kanina, habang naglalakad sila papunta roon, napakarami nitong sinasabing gusto nitong sabihin.Ngayon, parang biglang nabura ang lahat sa isip nito.Napangiti si Liza.“Lapitan mo na. Dali!”“Ha?”“Nick!”“Okay, okay.”Huminga nang malalim si Nick bago naglakad papunta kay Lorena.Ngunit bago pa man niya ito matawag, biglang bumukas ang pinto ng bahay.Isang batang lalaki ang lumabas.Pagkakita kay Nick ay agad itong napahinto.“Daddy.”Natigilan si

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status